^

PSN Showbiz

‘Get well soon tita Glo’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
‘Get well soon tita Glo’
Gloria

Medyo alarming ang balita Salve na maysakit si Gloria Romero. Sa edad na 85, napapanood si Tita Glo ng regular sa TV sa Daig Kayo ng Lola Ko ng GMA-7 at madalas pa rin dumadalo sa mga intimate sosyalan kaya nakakabigla kapag nababalitaan natin na may sakit siya.

Sana naman, gumaling agad si Tita Glo dahil isa ito sa mga veteran actress na napakabait, professional, tunay na reyna ng pelikulang Pilipino tulad ni Susan Roces at talagang maganda na ehemplo sa mga batang artista para magtagal sa industriya. Get well soon at keep on fighting Tita Gloria, we love you.

John Lloyd biglang naging mabait kay Ellen

Gustung-gusto ko ang lumabas na photo ni John Lloyd Cruz na karga ang kanyang anak at clean shaven ang mukha niya.

Nice to see na mukhang okey na sila ni Ellen Adarna at parang ang mga gusto nito, sinusunod na ni John Lloyd.

Ang pagpapabaya ni John Lloyd sa itsura nito at ang diumano’y ilang weird things na ginagawa niya ang napapabalita na dahilan ng ‘panlalamig’  ni Ellen sa kanya.

Kung ganyan na sinusunod ni John Lloyd ang  ilan sa mga ‘patakaran’ ni Ellen, tila seriously into the relationship si Papa John.

Mukhang alam na ni Ellen how to tame her man at siyempre, big factor din na mahal ni John Lloyd ang anak nila kaya kapag sinabi ng kanyang girlfriend na behave, behave siya talaga. Love na talaga nila ang isa’t isa, sumusunod na sa rules at follow your lady ang drama ng Papa John Lloyd.

Annual grand gathering ng mga teacher, magaganap na naman

Dahil September na bukas, excited na ang mga teacher dahil alam nila na magaganap na naman ang Gabay Guro, ang annual grand gathering ng mga teacher na project nina Papa Manny V. Pangilinan at Mama Chaye Cabal-Revilla.

Bago mangyari ang grand gathering, ang Metro Cauayan, Isabela ang latest destination ng Gabay Guro at naisakatuparan ito sa pakikipagtulungan ni Mama Chaye kay Metro Cauayan Mayor Bernard Dy.

Nag-enjoy ang mga teacher sa Isabela dahil sa presence nina Gabby Concepcion, Jaya, Jona, Christian Bautista, Jason Abalos, Bugoy Drilon, Ate Gay, Boobay at ng Regine Velasquez-impersonator na si Regina Otic.

Si Ambet Nabus ang co-host ng Gabay Guro sa Metro Cauayan at umuwi na masaya ang mga teacher dahil sa mga premyo na napanalunan nila tulad ng cash prizes na nagkakahalaga ng P100,000.00, mobile phones mula sa Smart and Sun, Penshoppe gift certificates, dalawang Honda Motorcycles na bigay ni Mayor Bernard Dy, at sampung 32-inch LED TVs na nangga­ling naman kay Governor Bodgie Dy, Prepaid Home Wifi packages at HP Printers na ipinagkaloob ng PLDT Home.

“It is always our privilege to pay tribute to the teachers through Gabay Guro because we recognize their great contribution to the society. Kung wala po kayong mga guro, wala rin po kaming lahat ngayon,” ang sabi ni Mama Chaye sa kanyang speech.

GLORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with