Hunk actor at sexy actress, obvious na may nagaganap na galawan
Kung ang paniniwalaan nating mga komento ay mula sa mga katrabaho ng magkatambal na personalidad sa isang sinusubaybayang serye sa isang network ay puwede nating isipin na nagkakamabutihan na nga sila ngayon.
‘Yun kasi ang napapansin ng kanilang mga katrabaho, mukhang nagkakaigihan na ang hunk actor at ang katambal niyang sexy actress, dahil parang halos hindi na sila naghihiwalay.
Kuwento ng isang source, “Marami silang pinakikilig sa set. Wala silang sinasabi, wala rin silang inaamin, pero kailangan pa ba naman nilang i-confirm ang totoong relasyon nila, e, marami namang palatandaan na sila na nga?
“Ibang-iba kasi ang kilos ng mga magkarelasyon, mahahalata agad ‘yun kahit wala silang sinasabi, nag-uusap ang mga mata nila at alam mong happy silang magkasama!
“Napakasuwerte nila sa isa’t isa. Marespeto ‘yung hunk actor, sexy, maganda at matalino naman ang girl, magtatagal sila dahil marami silang things in common.
“Pati sa food, magkasundo sila, sa hobby nila, marami silang ine-enjoy na magkasama, ganu’n sila ka-compatible,” unang rebelasyon ng aming source.
Pero gustong linawin ng impormante na nitong mga huling linggo lang nila napapansin ang kakaibang tratuhan ng dalawang personalidad.
“Nu’ng una, e, okey lang sila, enjoy lang silang magkatrabaho. Pareho kasi silang very professional. Never silang nale-late sa taping, mahal nilang pareho ang work nila.
“Pero after a few weeks, du’n na napansin ng mga katrabaho nila na kakaiba na ang mga galawan nilang dalawa. Madaling mahalata ‘yun, kaya kinikilig ang mga nakakakita sa kanila on the set.
“Pero nito na lang ‘yun, ha? Walang katotohanan ang issue na ang sexy actress ang ipinalit ng hunk actor sa girlfriend niya. Hindi ang sexy actress ang third party sa break-up nila.
“Kalokohan ‘yun! Walang-wala pa silang attraction sa isa’t isa nu’ng una. Nu’ng magtagal-tagal na lang ang pagtatrabaho nila, saka napansin ng mga nandu’n na parang meron na!
“Magkasama pa rin sila after their work, wala silang trabaho, pero sila pa rin ang magkasama, so ano ang ibig sabihin nu’n? Magkaibigan pa rin sila?
“Basta! Nagkakasundo sila mentally, physically, emotionally. Ewan na lang kung maide-deny pa rin nila ‘yun!” nakangiting pagtatapos ng aming impormante.
Ubos!
Kris walang malugarang positibo
Sa mga pamba-bash na nararanasan ni Kris Aquino ngayon ay kailangan na siguro talaga niyang tuparin ang kanyang naunang pangako na lalayo muna siya sa social media.
Para kasing wala na siyang ginagawang tama ngayon kung ang mga salitang ibinabato ng kanyang mga bashers ang bibigyan natin ng pagpapahalaga. Parang lahat na lang ng i-post ni Kris ay nagbubumerang sa kanya pabalik.
Magkuwento siya tungkol sa kanyang career, puro lait ang ikinokomento ng mga nakakabasa, magkuwento siya tungkol sa kanyang mga anak ay nega pa rin ang kanyang dating.
Walang malulugarang positibo ang aktres-TV host kaya payo ng mas nakararami ay tigilan na muna niya ang paglalabas ng mga impormasyon tungkol sa kanyang sarili.
Ilang beses nang nagsabi si Kris na mananahimik na siya, lalayo na raw muna siya sa social media, ang problema nga lang ay siya rin naman kasi ang sumisira sa kanyang mga pangako.
Ilang araw lang pagkatapos ay bumabalik na rin siya agad, maglilitanya na naman siya ng mga impormasyong kinokontra lang naman ng mga kababayan nating ayaw sa kanya, kay Kris din nag-uugat ang problema.
May mga nagsasabi ngayon na tutal naman ay super-yaman siya, bakit hindi na lang siya magtayo ng sarili niyang channel, siya na raw mismo ang mamuhunan para makapagtayo siya ng network kung saan niya magagawa ang kung anumang gusto niya.
Malungkot na reaksiyon ng kaibigan naming propesor, “Tingnan mo nga naman ang buhay. Napaka-powerful niya nu’n sa ABS-CBN, spoiled na spoiled siya sa network, pero heto siya ngayon, namamalimos ng awa at tulong para lang siya magkaroon ng show.
“Nakakalungkot, di ba? Kaya tomorrow is not promised talaga. Hindi natin hawak ang bukas, anything can happen,” sinserong komento ni prop.
- Latest