Countdown sa Kapaskuhan, umpisa na!
Ber months na, simula na ng pagdiriwang natin ng Kapaskuhan, ang tanging bansa na may pinakamahabang selebrasyon ng kapanganakan ni Hesus, ang Pilipinas.
Para sa marami, kasama na ako, pinakamasayang season of the year ang Christmas. Tayong mga Pinoy naman ay mabilis mag-adjust sa ano mang sitwasyon ng buhay, palagi tayong may ngiti sa mga labi, kahit puro noodles lang ang kinakain natin, basta ang importante ay may kinakain tayo, may nasisilungan at may pambayad sa sine kapag kailangan natin ng dibersyon.
Ganun lang katsip ang ating kaligayahan. Madali tayong makuntento.
Tatay ni Morissette nakakasira ng career
Sana nga, ang pahayag sa social media ng ama ni Morissette Amon ay magsilbing simula ng kanilang pag-aayos. Malaking kasiraan sa singer ang pag-aaway nilang mag-ama dahil lamang sa hindi pabor si Padir sa karelasyon nito.
Maiintindihan pa ng lahat kung menor de edad pa ang anak niya, pero 23 years old na ito, may magandang hanapbuhay at may karapatan nang magdesisyon para sa kanyang sarili. Sa halip na awayin ang anak, sana ay gabayan na lamang niya ito, kausapin ito ng mahusay at maging ang nagpapatakbo ng karera nito and pray hard na makita nito ang katotohanan.
He should talk to her boyfriend, too, para makilala niya at makilatis kung karapat-dapat ba ito talaga sa kanyang anak.
Seth inuulan ng suwerte
Paano mo hindi sasabihin na inaabot ng suwerte ang former Pinoy Big Brother housemate na si Seth Fedelin, gayung ang bilis niyang napasama sa isang teleserye na top rating pa? Miyembro na siya ng The Gold Squad at ka-loveteam pa ng isa sa hinuhulaang gagawa ng pangalan bilang artista na si Andrea Brillantes. At kung hindi pa ito sapat ay bida na siya sa isang IWant horror thriller na Abandoned kasama ang Kadenang Ginto actress na si Beauty Gonzales, mag-ina ang role nila.
Inaabangan ang movie dahil natapat ito sa panahon na malakas ang clamor for horror at gustong malaman ng mga followers ni Seth kung worthy ba siya of their adulation, support and time. Kaya pakitang gilas ka, Seth.
Michael, Daryl at Bugoy pamalit sa APO
Dapat ituluy-tuloy na nina Michael Pangilinan, Daryl Ong at Bugoy Drilon ang pagiging trio nila. After APO Hiking Society, wala nang sumikat pang ibang trio.
Ang TNT Boys naman ay lubhang napakabata pa para isabong sa kanila.
Magandang mag-combine ng boses ang wala pang pangalang baguhang trio, pero masarap silang pakinggan.
Sino kaya ang gumagabay sa kanila? Kung ang TNT Boys ay may Froilan Canlas, sino ang nagtitimpla ng mga kinakanta nilang tatlo? Huwag lang nilang iiwan ang solo careers nila pero continue nila ang trio nila.
- Latest