^

PSN Showbiz

Kaya ‘di malaki ang kita Alden at Maine kinapos sa lalim ang ginawang pelikula

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kaya ‘di malaki ang kita Alden at Maine kinapos sa lalim ang ginawang pelikula
Maine

Honestly, alam ko na ginawa ang Hello, Love, Goodbye para kina Alden Richards at Kathryn Bernardo pero naisip ko na kung ganoon ang pelikula na ginawa para kina Alden at Maine Mendoza, siguro mas lalong malaki at tagumpay.

Tanggapin natin na ang project noon para sa loveteam nina Alden at Maine, hindi masyadong emotionally charged like Hello, Love, Goodbye.

Parang pang-kilig lang ang pagsasama nila, hindi gaya ng istorya ng Hello, Love, Goodbye na nagli-linger sa utak ng mga nanood at talagang nakita kung paano ibinigay nina Alden at Kathryn ang kanilang sarili sa istorya.

Kung ganoon katindi ang project na ginawa nina Alden at Maine, talagang cemented na ang kilig at ang husay nila sa pag-arte. Magkaroon na sana sila ng project na lalong magpapatibay sa kanilang loveteam.

Now na kanya-kanya muna sina Maine at Alden, sana kapag nagkaroon ng chance na pagsamahin uli sila, mga katulad ng Hello, Love, Goodbye ang concept.

Christopher at Cesar noon pa reservist, unang-una kina Gerald at Matteo

Nakakatuwa na kahit ang mga artista, nagpapakita ng concern sa mga issue Salve. Bukas ang mga mata nila sa mga nagaganap sa paligid, hindi sila takot sumali sa diskusyon at nalalaman natin ang kanilang panig tungkol sa mga nagaganap sa paligid.

Marami naman talaga sa mga taga-showbiz ang mataas ang IQ at may concern sa mga problema ng lipunan.

Una na si Dingdong Dantes na talagang nag-react noon kung sino ang dapat na mag-represent sa youth.

May foundation din si Dingdong para sa mga kabataan at may leadership quality naman ang ilang young stars na talagang aware sa current events.

Nagpapakitang-gilas naman ang stars na sumasabak ngayon sa military training para makita ng lahat kung gaano kahirap maging sundalo at pulis, gaya nina Gerald Anderson, Matteo Guidicelli, Rocco Nacino at Dingdong.

Nauna nang maging part ng Philippine Navy si Christopher de Leon at ang balita ko, reservist na rin si Cesar Montano. Ang mga artista natin hindi lang puro porma, may puso rin sila para sa ating bayan.

Sen. Grace Poe matagal nang parte ng showbiz

Next month, September 3, ang birthday ni Senator Grace Poe-Llamanzares na itinuturing na ‘anak’ ng showbiz.

Si Senator Grace ay parang part na ng family ng bawat taga-showbiz. Aside from anak siya ni The King Fernando Poe, Jr. at ng Movie Queen na si Susan Roces, nakita nang lahat ang paglaki ni Mama Grace, naging parte ito ng bawat galaw ng taga-industriya kaya very close at mahal siya ng bawat sektor ng mundo ng pelikula.

Naging part tayo when she got married, nagkaanak at hanggang ngayon na nasa pulitika siya. She never cut her ties with us kaya naman all her victories, we feel so proud.

She is so thoughtful in remembering friends on special occasions like birthdays at Christmas kaya anuman ang laban niya, parang kasali ka dahil nga part na siya ng buhay natin. Happy birthday Senator Grace, and promise, we will never leave your side. Love you.

 

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with