Taga-England wagi sa Mr. World
SEEN: Wala nang puwedeng ireklamo ang transgender women na nanood ng coronation night ng 10th Mr. World sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes, August 23, dahil nakita nila na meron nang All Gender restroom sa Big Dome.
Iilan lamang ang gumamit sa nasabing palikuran o talagang hindi lang nagpaabala ang members ng LGBTQIA+ sa panonood ng Mr. World 2019.
SCENE: Walang narinig na protesta mula sa mga Pilipino nang hindi makasali sa Top 5 finalists ng Mr. World 2019 ang Philippine bet na si JB Saliba. Hindi man siya nanalo, si Saliba ang Asia & Oceania Continental Zone winner sa male pageant na kanyang nilahukan. Si Jack Heslewood ng England ang nanalo na Mr. World 2019. First runner up si Mr. South Africa Fezile Mkhize at second runner up si Brian Arturo Faugier.
SEEN: Nag-iyakan ang ilan sa Mr. World candidates nang kantahin nila ang You Raise Me Up at nang kanilang makasama sa stage ang orphaned children ng Tuloy Foundation Inc. Kitang-kita sa mga kilos at reaksyon ng mga kandidato ang genuine concern nila para sa mga ulilang bata na inaalagaan ng foundation na tinutulungan ng Miss World Organization.
SCENE: Madalas na nawawala sa sarili at biktima ng hallucination ang isang aktres dahil sa illegal drugs na ginagamit niya para makaramdam siya ng pansamantala na kapayapaan.
SEEN: Ang obserbasyon ng social media followers ni KC Concepcion na mas malusog pa siya ngayon kesa sa kanyang nanay na si Sharon Cuneta. Masyadong pinoproblema ng ibang tao ang unwanted pounds sa katawan ni KC.
- Latest