Verdict hataw sa International Filmfest
MANILA, Philippines — Wow. Tuluy-tuloy ang pag-iikot ng Verdict ni Raymund Ribay Gutierrez sa iba’t ibang international film festivals. Matapos ang announcement na kasama ito bilang competition film sa Horizons (Orizzonti) section ng ika-76 na Venice Film Festival, ang nasabing crime drama feature ay magkakaroon ng Canadian premiere sa ika-44 na Toronto International Film Festival (TIFF) sa darating na Setyembre 5 hanggang 15, 2019. Ito ang nag-iisang Filipino feature film na napili para sa TIFF ngayong taon.
Ang Verdict, na produkto ng Armando Lao Found Story School of Filmmaking at ng Brillante Mendoza Film Workshop, ay produced ng mentor ni director Gutierrez at film auteur na si Brillante Mendoza. Ang pelikula ay iikot sa abused wife na naghahanap ng hustisya na pinagbibidahan nina Max Eigenmann, ang yumaong si Kristoffer King, Jorden Suan, at Rene Durian.
Tatanggap ng assistance mula sa FDCP sa pamamagitan ng International Film Festival Assistance Program (IFFAP) ng Ahensya ang lahat ng mga dadalong representative ng Verdict.
Ang crime drama film ay ipapalabas sa ilalim ng Contemporary World Cinema (CWC) programme. Ayon sa isang statement mula sa TIFF, ang CWC programme ay nagbibigay ng “global snapshot of the world through essential storytelling.” Dagdag pa nito, tampok din sa programme ang mga pelikulang may “wide range of thought-provoking stories that delve into cultural issues and social struggles in poetic and captivating ways.”
- Latest