^

PSN Showbiz

Prima.. pinasukan ng mabibigat na Kapuso

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Prima.. pinasukan ng mabibigat na Kapuso
Prima Donnas

Matagal na sigurong sumikat si Sofia Pablo kung nung unang mag-audition siya para sa seryeng Yagit ng Kapuso network ay pumasa na agad siya. Handang-handa naman siyang humarap sa audition nito na suot ang marumi at punit-punit niyang damit pero bumagsak pa rin siya at tinanggihan ni direk Gina Alajar na direktor ng matagumpay na serye dahil masyado siyang maganda.

Hindi na kayang maitago ng kanyang anyo ang kanyang kagandahan na hindi bagay sa role kung saan siya nag-audition. Pero, tumanggap siya ng pangako sa magaling na direktor na gagawan siya ng project kapag lumaki-laki na siya na siya ngang tinupad nito sa Prima Donnas, bagong serye ng GMA na magsisimulang mapanood sa August 19, Lunes hanggang Biyernes sa Afternoon Prime.

Bukod sa tatlong kabataang ilulunsad sa serye, sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan bilang mga bida, ipakikilala rin si Elijah Alejo bilang pinakabago at batang contravida sa TV.

Pinaka-beterano sa mga teen star si Jillian na sa edad na tatlong taong gulang ay nakasama na sa Trudis Liit ni Vilma Santos. Napanood na rin sa mga maaga at naunang serye ng Kapuso sina Sofia, Althea at Elijah.

Sinisiguro naman ng GMA na magiging matagumpay ang launching ng tatlo dahil binigyan sila ng malakas na support in the persons of Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, Benjie Paras, Aiko Melendez at may special participation si Glaiza de Castro bilang ina ng Prima Donnas.

Ang kuwento ay tungkol sa kabiguan ng isang ina na mabigyan ng anak ang kanyang pinakamamahal na asawa. Naghanap sila ng isang babae na magbubuntis sa magiging anak nila na triplets pala pero humadlang sa kaligayan nila bilang isang pamilya ang isang babae na may pagnanasa sa ama ng mga bagong silang at maging sa yaman ng pamilya nito.

Ang kasamaan niya at pagiging gahaman ang magbibigay kulay sa buhay ng lahat ng tauhan ng Prima Donnas.

Sunshine ibinuko ang mga dating manliligaw

Tama kaya na ibinunyag ni Sunshine Cruz ang mga nabigo niyang manliligaw nung kabataan niya? Syempre malaking kasiraan ito sa pagiging macho nina Tonton Gutierrez, Kier Legaspi at Raymart Santiago na sinabi niyang pinakagusto niya sa lahat ng nanligaw sa kanya pero wala pa silang kahandaan nung mga panahong yun.

Inamin niyang sa naging ama ng kanyang Tres Marias na si Cesar Montano lamang niya ibinigay ang kanyang sarili at naniniwala siyang walang magiging masamang epekto ang ginawa niyang pag-amin sa kanila dahil tapos na naman ito at naka-move on na silang lahat.

Masaya rin siya sa bago niyang karelasyon at mayroon siyang singsing na suot bilang patunay ng maganda nilang pagkakaunawaan. Wala naman itong naging hindi magandang reaksyon sa ginawa niyang paghuhubad at pagsalang sa mga love scenes sa pelikula niyang Malamaya opposite Enzo Pineda. Tanggap nito ang trabaho niya at ang maturity niya bilang artista.

Moira naka-recover na sa pagpapagalaw ng ilong

Dapat maging leksyon si Moira dela Torre sa mga nagpapaayos ng kanilang ilong. Ito ang dahilan ng naging matamlay na trabaho niya sa Idol Philippines. Buti na lamang at sandali lamang ito dahil nakikita na siyang parang naka-recover na ngayon at balik sa dating masigla niyang pagkanta sa TV.

Sayang naman kung dahil lang sa ipinagawa niyang enhancement ay masira naman ang kanyang boses.

Inigo tutok sa career sa ibang bansa

Nasa Hawaii si Inigo Pascual at nagpu-promote ng kanyang bagong single na kolaborasyon nila ng isang sikat na songwriter sa US. Talagang focused ang anak ni Piolo Pascual sa kanyang singing career na umaarangkada na sa labas ng Pilipinas.

Ito marahil ang dahilan kung kaya naghiwalay sila ni Maris Racal, para mapagtuunan ng pansin ang kanilang karera. Baka kapag na-reach na nila ang goal nila ay magkabalikan din sila. Mukha naman hindi apektado ang solo career nila ng kanilang paghihiwalay. Parehong ratsada ang karera nila.

Kisses lagi na lang iniiwan?!

Patuloy din si Kisses Delavin sa kanyang quest for stardom and partner. Wala na rin sila ni Donny Pangilinan na kung kailan tinanggap ng mga supporter nila ang kanilang tandem at saka naman sila naghiwalay. Sila ba ang kusang naghiwalay o pinaghiwalay ba sila ng kanilang network? Bakit kaya? Baka naman kinakailangan na ni Kisses na huwag umaasa sa isang tandem, para hindi siya palaging naiiwang mag-isa?

PRIMA DONNAS

SOFIA PABLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with