^

PSN Showbiz

Buhay ng isang ‘Tilapia’ ng bilangguan tampok sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon
Buhay ng isang �Tilapia� ng bilangguan tampok sa Magpakailanman
Liezel Lopez

MANILA, Philippines — Ano ang handa mong gawin para sa iyong pamilya?

Bumagsak ang kabuhayan ng pamilya ni Grace matapos masunog ang karinderya nila at iwan siya ng kanyang asawa. Mag-isa na lamang niyang tinustusan ang pangangailangan ng kanyang anak at hindi na muling nakapagtrabaho ang mga magulang niya.

Dahil hindi nakatapos ng pag-aaral, nahirapang kumuha ng marangal na trabaho si Grace. Inakala n’yang sinuwerte na siya nang mag-offer sa kanya ng trabaho ang isang kaibigan. Pero ang inaakala niyang simpleng pag-eentertain sa foreigners na sinabi nito, pagbebenta pala ng katawan sa mga preso!

Dahil sa kagustuhang makatulong sa pamilya at makapagtustos sa anak, pikit-mata itong tinanggap ni Grace, lalo pa’t pinagbantaan ng isang pinuno ng mga preso ang kanyang buhay. Ang mga tulad ni Grace ang binansagan noong ‘tilapia’ ng bilangguan.

Tuluyan pa s’yang nasukol sa mapait na sitwasyon nang utusan siya ng kliyente niya bilang bantay sa mga transaksyon nito sa pagbebenta ng ilegal na droga sa labas ng bilangguan.

Sa kauna-unahang pagbibida ni Liezel Lopez sa Magpakailanman, tunghayan ngayong Sabado kung ano pang mga pagsubok ang pagdadaanan ng ginagampanan niyang papel bilang si Grace at paano siya babangon mula sa mapait na karanasan. Makakasama din niya sina Marco Alcaraz, Gilleth Sandico, Mia Pangyarihan, Mike Lloren, at Mela Habijan.

Ang episode na pinamagatang Nagmahal, Nasaktan, Pinagsamantalahan ay sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada, Jr., mula sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Loi Nova.

vuukle comment

LIEZEL LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with