Wow mali? Gretchen Ho, Fullido nadawit sa Bea—Julia issue
MANILA, Philippines — Kaugnay ng isyung kinasasangkutan nina Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo, nadamay na sa away ang ilang journalists na walang kinalaman sa showbiz-hiwalayan.
Dinudumog kasi ngayon ang social media accounts ng ABS-CBN reporters na sina Gretchen Ho at Gretchen Fullido nang panigan ni Gretchen Barretto si Bea.
Sa tweet ni Ho, makikita ang screeshot ng sari-saring direct messages sa kanyang Instagram na kumekwestyon o bumabati sa kanya sa hindi pagpanig kay Julia, na pamangkin ng nakatatandang Barretto.
Hindi na po Gretchen ang pangalan ko. Ktnxbye ???????????? pic.twitter.com/Tai5XlWCik
— Gretchen Ho (@gretchenho) August 7, 2019
Nakuha pang magbiro ng reporter dahil sa pagkakapareho ng pangalan niya sa artista.
"Hindi na po Gretchen ang pangalan ko. Ktnxbye," ani Ho.
Minsan na ring naisama si Ho sa isyu na wala siyang kinalaman nang nasama ang pangalan niya sa umano'y "ouster matrix" ng Palasyo.
'Yan din ang ipinagtaka ni Fullido nang makatanggap ng DM na: "Tama po yun, hindi porke pamangkin mo si Julia dapat kampihan mo na sya."
Wait Lang, bakit ako nasali dito ?? I’m the other #titaGretchen ?? pic.twitter.com/eLY8tJvU6T
— Gretchen Fullido (@gretsfullido) August 6, 2019
"Wait Lang, bakit ako nasali dito? I’m the other #titaGretchen," sabi niya.
"Teka lang, hindi ko po pamangkin si Julia."
Sa kanyang IG story kahapon, inakusahan ni Gretchen Barretto ang pamangkin na nag-hire ng "ghost writer" kaugnay ng bukas na liham na ginamit upang pasinungalingan ang mga alegasyong inahas niya mula kay Bea si Gerald.
Makikita pa ang mga katagang ito sa story ni Gretchen Barretto: "TEAM BEA FOR THE WIN."
- Latest