^

PSN Showbiz

Ariel at Winnie, Danny at Rica, todo-todo, good job

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ariel at Winnie, Danny at Rica, todo-todo, good job

Nangunguna pa rin ang DZMM Radyo Patrol 630, na nagdiriwang ngayong taon ng ika-33 nitong anibersaryo. Dalawa rito ang pagkakaroon ng masasayang mga talakayan na kapupulutan ng aliw at bagong kaalaman, at ang hindi nawawala ang misyon nila na magbigay ng serbisyo upang makatulong sa taong-bayan.

Kitang-kita ito sa mga programang Todo-Todo Walang Preno nina Ariel Ureta at Winnie Cor­dero at Good Job ni Danny Buenafe at Rica Lazo.

Tulad ng mga beteranong anchor nito, nananatiling patok sa mga tagapakinig at tagapanood ang Todo-Todo, na maski 15 taon na sa ere ay patuloy na tumatanggap ng parangal tulad ng Best Variety Program for Radio sa 27th KBP Golden Dove Awards. 

Kilala ang programa sa mga segment nito tulad ng Sabi ng Lolo Ko, kung saan pinapaalala ni Ariel ang mabubuting asal tulad ng paggalang sa nakatatanda at pagmamahal sa bayan, at WinWin Solutions, kung saan si Tita Winnie naman ang nagbibigay ng tips at solusyon sa mga karaniwang problema ng mga nanay tulad niya. Kaabang-abang rin ang Todo-Todo Kuro Kuro at Todo Kwentuhan Kasama Ang Mga Sikat, na parehong nilalabas ang galing ng dalawa sa pagtalakay ng iba-ibang usapin, showbiz man o mga isyung may kinalaman sa pamilya.

Sa kabila ng tagumpay ng kanilang tandem, todo-todo at walang preno pa rin sa pagpapaganda ng kanilang programa sina Ariel at Winnie, na magkasama rin sa telebisyon sa programang Uma­gang Kay Ganda.

“Pinagsisikapan naming bigyan sila ng bagong pananaw araw-araw, taon-taon. Kahit na gaano kaganda ang mensahe natin sa kanila, kung ‘yun at ‘yun lang paulit-ulit araw-araw, maghahanap ng ibang pakikinggan ‘yung ating mga suking tagapakinig.” ani Ariel. 

Dagdag ni Winnie, nananatili silang inspiradong m­aghatid ng impormasyon at saya sa mga Pilipino. “Isang pribilehiyo talaga ang makapagbahagi ng pananaw at kaalaman sa ating mga kababayan, at iyon bang mapatawa o mapasaya mo sila araw-araw.”

Hindi naman pahuhuli kina Ariel at Winnie ang bagong tandem ng DZMM na layunin ay tulungan ang mga Pilipinong makahanap ng magandang trabaho at hanapbuhay, at bigyan sila ng tamang gabay upang maabot at mapanatili ang inaasam nilang estado sa buhay.

Sa Good Job, nagsanib-pwersa ang Kapamilya news legend na si Danny Buenafe, ang  dating news bureau chief ng ABS-CBN sa Middle East at Europe, at ang Wow Trending anchor na si Rica Lazo, na lumalabas sa parehong DZMM at ANC.

 Ayon kay Danny, nagagamit niya ang kanyang nabuong network bilang mamamahayag sa kanilang pagbabalita ng mga job vacancies at opportunities dito at sa ibang bansa, at pagtalakay sa mga isyung may kinalaman sa labor. Dagdag ni Rica, makakatulong din nila sa paghatid ng serbisyo ang mga ahensya ng gobyerno, mga representante mula sa iba’t-ibang industriya, at lokal na opisyal na kanilang makapapanayam at makakakwentuhan sa programa. 

Naniniwala silang magiging instrumento ang prog­rama, na isang buwan na sa ere, para umasenso ang pamilyang Pilipino.

Abangan sina Ariel Ureta at Winnie Cordero sa Todo-Todo Walang Preno mula Lunes hanggang Biyernes ng 3 pm, at Danny Buenafe at Rica Lazaro tuwing Sabado ng 2 pm sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630, na nanalo ring Best AM Radio Station sa 2nd Animo Media Choice Awards. Manood online sa iWant o makinig sa audio streaming sa dzmm.com.ph.  

ARIEL URETA

DZMM RADYO PATROL 630

WINNIE COR­DERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with