^

PSN Showbiz

Alden-Kathryn Movie may pressure pa more...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden-Kathryn Movie may pressure pa more...
KathDen

Grabe ang pressure kina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng kanilang movie na Hello, Love, Goodbye.

Dahil sa ganda ng trailer, umaasa ang lahat na magiging blockbuster ang unang movie team up nina Kathryn at Alden tulad ng mga pelikula na ginawa noon ni Dingdong Dantes sa Star Cinema.

Hoping ang fans and supporters ni Alden na magiging matatag siya na leading man gaya ni Dingdong dahil sa Hello, Love, Goodbye.

Natuwa ang lahat ng ABS-CBN at Star Cinema people sa kabaitan at klase ng performance na ibinigay ni Alden sa unang pelikula nito sa Star Cine­ma, isang patunay na open sila na makatrabaho ang sikat na contract star ng GMA-7.

Can you imagine Alden working with Sarah Geronimo, Bea Alonzo and other stars from the Kapamilya and Star Cinema, bongga di ba?

At tulad din ni Dingdong, kahit pa nga magaganda ang projects sa kabila, mananatili na solid Kapuso si Alden dahil hindi nito basta malilimutan kung saan siya nagsimula at kung sino ang mga nag-alaga sa kanya noong nag-uumpisa pa lang ang showbiz career niya.

Ngayon pa lang, binabati ko na sina Alden at Kathryn for a job well done.

Take It…every Tuesday habit na!

Tuwing Tuesday, automatic na ang Take It... Per Minute (Me Ganun) ang focus ko kapag gising ko sa umaga Salve dahil looking forward ako na makita uli sina Cristy, Mr. Fu, Tina Roa at Japs Gersin.

Naghihintay din ako sa mga food na ipinapadala ni Pia Romeo kaya may pressure rin kay Mrs. Terrence Romeo ang mag-isip ng pagkain.

Gusto kasi ni Pia na iba-ibang putahe ang natitikman namin na dala nina Cel at Cris na sure akong may mga nanliligaw na basketball players dahil mga sexy secretary ang peg nila.

Dumaraan ang Tuesday na parang habit na sa akin, exci­ting at surprising dahil kung minsan bibiglain ka na lang kung sino ang guest na dara-ting.

Panoorin n’yo po tuwing Martes ang isang oras ng mga kagagahan namin nina Cristy at Mr. Fu, isang oras ng saya at intriga.

Thank you po for watching Take It... Per Minute (Me Ganun).

Miss Granny nasa Netflix na rin

Napapanood na pala sa Netflix ang Philippine adaptation ng Miss Granny, almost one year pagkatapos na mapanood ito sa mga sinehan.

Ang Miss Granny ang isa sa mga ipinagmamalaki na pelikula ng Viva Films at ni Sarah Geronimo noong nakaraang taon.

Nang mapanood ni Chuck Gomez sa Netflix ang Miss Granny, nag-dialogue siya na ang galing-galing ni Sarah sa pelikula kaya dapat mag-win ng acting award ang Popstar Princess.

Aligaga yata si Chuck sa kanyang mga kaliwa’t kanan na raket kaya hindi nakalimutan niya na nanalo ng acting award si Sarah para sa role nito sa Miss Granny.

Tie sina Sarah at Kathryn Bernardo sa best actress trophy ng 35th Star Awards for Movies na ginanap noong June 2 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Sayang nga dahil hindi nakadalo si Sarah sa awards night kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang first best actress  trophy.

After Miss Granny, may bagong movie project si Sarah sa Viva Films, ang Unforgettable na inaasahan na kasing-ganda rin ng Miss Granny.

ALDEN RICHARDS AND KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with