GMA walang nagawa Michael V. sinolo na ang family...
Speaking of pelikula, true kaya walang say ang GMA Pictures sa Family History?
Yup, si Michael V. daw ang nasunod sa lahat-lahat sa production ng pelikulang pinagbidahan niya, dinirek at sinulat. Plus siya rin ang producer.
May mga gusto raw sanang ipabago ang GMA Pictures sa pelikula pero wala raw nagawa dahil ayaw ni Bitoy.
Una raw sana ay gusto ng GMA na ibahin ang title dahil nakukulangan sila sa impact at family ang word na identified sa ABS-CBN na Kapamilya Network.
Pero hindi raw pumayag si Bitoy.
Actually, from the start daw ay gusto nang magkaroon ng say ng GMA pero ang sagot naman daw ni Michael V. kung hindi naman kikita ay pera naman daw niya ‘yun.
Kahit daw sa poster at trailer ay gustong ibahin ng GMA pero consistent daw si Bitoy ayon sa source na ‘wag ipagalaw ang kanyang obra na leading lady si Dawn Zulueta.
May point naman si Michael. Kung ang bulk nga ng production cost ng Family History ay galing sa kanya na palabas na sa July 24, ang gusto nga naman niya ang dapat masunod.
Pero co-producer pa ba sa movie ang GMA Pictures or sila na lang magre-release?
Anyway, sana nga ay kumita ang movie na pahulaan sa trailer kung anong story dahil parang malalim ang pinanggagalingan ng story.
Tagalog films mas dumalang?!
Medyo nakaka-alarm na walang palabas na Tagalog films.
Yup, two weeks nang walang bagong pelikulang local na napapanood sa mga sinehan.
Ang dalawang huling movie two weeks ago na nag-open ay parehong sadsad pa sa takilya.
Walang naglakas loob na sumabay sa showing ng Spiderman last week at this week wala pa ring bagong palabas na pelikula.
Ang maingay lang na magso-showing ay ang Family History nina Michael V. and Dawn Zulueta sa July 24. The following week naman ang showing ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Kathryn Bernardo na marami na ang nag-aabang.
Or baka naman lahat ng producer, naghihintay at sasali na lang sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) at Cinemalaya Filmfest next month.
Wala rin daw naka-line up na movie for October and November ang Star Cinema pero sila ang magre-release ng PPP entry na Panti Sisters at naka-schedule na sa September 25 na zombie movie nilang Block Z starring Joshua Garcia and Julia Barretto.
At ang susunod na ay Metro Manila Film Festival (MMFF 2019). Definite na ang pagsali ng movie nina Vice Ganda and Anne Curtis and Coco Martin and Jennylyn Mercado.
Ang iba ay wala pang klarong statement kung sasali sila o hindi.
Walong official entries sa pipiliin, ang apat ay base sa script at and remaining four ay pipiliin sa finished products.
Lampas kalahating taon na at malalaman natin kung mas nabawasan ang bilang ng pelikulang ipinalabas / ipalalabas for 2019 kesa noong 2018.
Base sa statistics, every year ay nababawasan ang number of local movies na pinalalabas sa mga sinehan.
- Latest