^

PSN Showbiz

Santino bumalik sa ‘Pinagmulan’

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Santino bumalik sa ‘Pinagmulan’

MANILA, Philippines — Nakaka-touch naman ang isang lolang 101-anyos na Kapamilya fan dahil sa pagpapakita nito ng pagmamahal sa pamilya, lalo na sa mga nakatatanda.

Mayroon nang mahigit 830,000 views sa Facebook at YouTube ang video kung saan mapapanood ang pagbisita ng cast ng Kadenang Ginto sa Pampanga para makilala at makasama si Panfila “Mama Nene” Pingul.

Ayon kay Mama Nene, napapasaya siya ng mga teleserye lalo na at nag-iisa na siya ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga anak, samantalang may Alzheimer’s disease ang kanyang asawa.

“Masakit pala ang naiiwan,” aniya. “[Pero] sa panonood ko ng TV (ABS-CBN), nakahanap ako ng makakasama.”

Kaya naman hinandugan siya ng simple pero masayang selebrasyon ng Mother’s Day, kung saan nakakuwentuhan siya ng mga bida ng paborito niyang programa na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Dimples Romana, and Beauty Gonzalez.

Malaking pasasalamat ng apat na maka-bonding si Mama Nene, na nagbigay sa kanila ng magandang mga payo at alaala.

“Lagi po niyang sinasabi sa amin na be happy kasi marami nang problema ‘yung mga tao kailangan ikaw yung maging dahilan na para maging masaya sila, para hindi na sila malungkot,” pagbabahagi ni Francine.

Dagdag ni Dimples na grabe ang naging meme sa kanyang character na Daniela sa Kadenang Ginto, “Grabe ang sarap ma-meet ‘yung pinaka-Lola nating Kapamilya. She’s 101 years old and she watches all our shows mula sa paggising niya hanggang sa gabi. Parang nakakataba ng puso na maging parte ng buhay niya.”

Samantala, dalawa pang madamdaming kwento ang ibabahagi ng ABS-CBN sa pagpapatuloy ng selebrasyon nila ng ika-65 taon nitong paglilingkod.

Nauna na nilang ipinalabas ang kwento ng mapagkawang-gawang si Paul Abubakar, ang may-ari at general manager ng Echano Dental Clinic, na nakipagtulungan sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya para mabigyan ng pustiso at maibalik ang mga ngiti ng isang grupo ng mga nanay na napanood niya sa TV Patrol.

Noong Hunyo 21 naman, nakita ang pagbabalik ng dating child star na si Zaijian Jaranilla sa Bacolor, Pampanga, kung saan kinukuhanan ang programa niya dati na May Bukas Pa. Bukod sa pagdalaw niya sa San Guillermo church, kung saan napapanood sina Santino at Bro, nakausap din niya ang mga residente doon na nagbago ang buhay dahil sa programa.

SANTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with