Beautéderm opening sa Tagum tagumpay
Tuluy-tuloy ang Beautéderm Corporation sa paghahanda sa 10th year grand celebration ngayong Nobyembre 2019.
Katatapos lang ng grand launch ng BeautéNook By Beautéderm sa City Mall, Tagum, Davao Del Norte.
Ang BeautéNook ay pag-aari / pinapatakbo ni Kharnelia Edquila at dinaluhan ang event ng President at CEO ng Beautéderm Corporation na si Rhea Anicoche-Tan kasama ang kanyang mga brand ambassadors na sina Ken Chan, Shyr Valdez at Lorna Tolentino kasama ang special celebrity guests na sina Rap Fernandez at Renz Fernandez. Dumalo rin sa event ang mga Davao-based Beautéderm brand ambassadors gaya ng mga beauty queens na sina Carly Chua, MJ De Castro at Lesley Anne Ticaro at pati na rin ang businesswoman na si Leo Revita.
Inanunsyo din ang grand winner ng Beautéderm Slender Sips Weight Loss Challenge, kung saan 22 hopefuls ang sumali. Si Leyzander Rosell na nabawasan ang timbang ng 7.8 kg sa pamamagitan ng diet, ehersisyo, at tulong ng Beautéderm’s Slender Sips drink, ang grand winner.
Ang mga winner naman ng MTV Dance Contest ay Aphrodite para sa adult category at UMTC Femmes para sa youth category. Gumawa naman sila ng kanilang sariling dance interpretation ng Be Proud It’s Beautéderm, na ni-record ng certified OPM hitmaker at Beautéderm brand ambassador na si Jinky Vidal at kinompos ng legendary na si Vehnee Saturno.
Tumanggap ang mga winner ng grand total of Php 500,000.00 worth of cash and special prizes.
Inawitan ng Kapuso actor na si Ken Chan ang Tagum ng mga romantic ballads habang nakipag-duet naman sa kanya ang grand slam queen na si Lorna Tolentino na labis na kinatuwa ng mga tao. Ang comedic group na Digos Good Vibes naman ang nagbigay ng tuwa at saya bilang hosts ng event.
“We are targeting to open more physical stores by the end of the year,” sabi ni Ms. Rhea. “Mayroon na tayong store sa Singapore at pinaghahandaan na rin natin ang New Zealand, Dubai, at Amerika,” dagdag pa niya na isa sa major sponsor ng digital program na Take It… Per Minute (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin with Mr. Fu.
- Latest