Mag-inang Pauleen at Tali, babawi ng bonding sa Kinder
Dadalaw bukas, Miyerkules, July 3, sa Kinder City sa Evia Lifestyle Center, Daang Hari ang mag-inang Pauleen at Talitha Sotto.
Matagal nang gusto ni Pauleen na puntahan ang naturang playground dahil malapit nga ito sa bahay nila ni Vic Sotto.
Nang magpunta sa Kinder City sina Mickey Mouse, Minnie Mouse at Vampirina, type na type ni Pauleen na dalhin si Talitha pero nagkataon na may sakit siya noon.
Hinayang na hinayang si Pauleen dahil favorite ng kanyang anak si Vampirina.
Gustung-gusto ni Pauleen ang Kinder City dahil bukod sa very safe, parang day care center para sa mga bata ang indoor playground.
Sure ako na magiging masaya si Talitha kapag napuntahan nito ang Kinder City at baka nga mapadalas ang pagyayaya niya doon.
Hands on mother si Pauleen kaya personal niya na sasamahan si Talitha sa Kinder City kaya Mama Avic at Nini, alagaan niyong mabuti ang mag-ina.
Sure ako na alagang Villar ang ibibigay ninyo kina Pauleen at Talitha kaya wala akong dapat ipag-alala.
Samboy Lim biniyayaan ng mabait na anak at ex wife
Talagang mahirap sabihin kung saan tayo dadalhin ng buhay. May kirot sa puso nang makita ko si Samboy Lim nang dumalo siya sa graduation ni Jamie, ang kanyang anak na babae na nagtapos na Summa Cum Laude sa University of the Philippines.
Dating sikat na sikat na basketball player si Samboy at kilala siya bilang The Skywalker ng Philippine Basketball Association.
Ang PAG-IBIG Fund executive na si Atty. Darlene Berberabe ang asawa ni Samboy pero hiwalay na sila.
Hindi na nakakakita at nakapagsasalita si Samboy dahil sa stroke na nangyari sa kanya noong November 2014. Nag-collapse siya sa isang exhibition game sa Ynares Sports Center at ang tsismis, may kinalaman ang paggamit niya ng fat burner pills.
Kahit hiwalay na sila, invited pa rin si Samboy sa graduation day ng anak nila ni Darlene.
Maganda na makita at pagmasdan na kahit hiwalay na sila at matindi ang nangyari kay Samboy, magkasama sila sa isang importanteng okasyon sa buhay ng kanilang anak.
Saludo ako kay Darlene dahil she has a big heart to still welcome Samboy para makapiling nito ang anak na Summa Cum Laude.
Patunay talaga na hindi ang sitwasyon ang gumagawa sa tao, ang tao ang nagde-decide kung paano aayusin ang nangyari sa paligid niya kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi na nagiging delinquent ang mga anak na produkto ng broken home kaya naligaw sila ng landas.
Tayo ang nag-aayos at mag-aayos ng buhay natin. Tayo ang gumagawa ng desisyon. Kung gusto natin na maging maayos ang ating buhay at kinabukasan, nasa atin ang pagpapasya.
Kung gusto natin na maging masama at mapasama, nasa atin din ang desisyon.
Like hindi natin akalain na magiging ganoon ang kasasapitan ni Samboy na isang napakahusay na basketball player pero sa isang iglap, naging bulag,pipi at hindi na makakilos.
Isang gift ni God kay Samboy ang pagkakaroon ng anak na katulad ni Jamie na maipagmalalaki niya at dapat siya na magpasalamat sa pagkakaroon ng isang ex-wife na kagaya ni Darlene. Sana nga gumaling pa si Samboy na ipinagdarasal ng kanyang pamilya, mga kaibigan at loyal fans.
- Latest