Ginawa nina Derek at Andrea, malaki ang expectations
Mabuti na lang mapapanood na simula sa Lunes, July 1, ang The Better Woman, ang primetime television series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Andrea Torres.
Hopefully, matitigil na ang mga intriga tungkol kay Derek kapag ipinalabas na ang The Better Woman.
Sari-saring isyu ang biglang lumitaw nang gawin nina Derek at Andrea ang The Better Woman dahil nagkahiwalay ang aktor at ang girlfriend nito na si Joanne Villablanca.
Hindi naman kataka-taka na pagselosan si Andrea ng ibang mga babae dahil sobrang sexy niya. Hindi rin nawawala ang mga panghihinayang kapag nawala si Derek sa karelasyon nito dahil ideal boyfriend siya.
Anyway, naiiba ang atake sa The Better Woman na mataas ang mga expectation dahil matagal nang hindi napanood si Derek sa isang television series at siyempre, exciting ang partnership nila ni Andrea sa primetime show ng Kapuso Network.
Bizaare, trendy, matibay, at mura!
Matagal na as in ilang dekada na ang friendship ko sa Bizaare na pag-aari ng So family.
Parang pamilya ko na ang pamilya ng mga So na palaging una sa pagbibigay sa akin ng lunch treat sa tuwing birthday ko.
Natutuwa ako dahil pinapanood nila ang Take It… Per Minute! at isa sila sa mga magi-sponsor ng programa.
Kahit friend at love ko si Ben Chan, parang mga kapatid ko naman sina Lucy, Lolit at Victor So.
Love ko rin ang Dickies dahil kay Papa Dodie Arcaya, pero iba ang naging bonding namin ng Bizaare.
Matagal na ang Bizaare na hanggang ngayon, isang bonggang brand at malakas pa rin ang hatak sa mga mamimili.
Basta para sa akin, tatlo ang brand ng t-shirts na isinusuot ko, ang Bizaare, Bench at Dickies. Mas marami lang ang Bizaare dahil spoiled ako sa So family. Buy na kayo ng Bizaare na maganda ang style, matibay at mura pa.
Professionalism mahalaga sa online sellers
Apektado ang online selling business dahil sa kagagawan ng ilang personal shoppers at on line sellers.
Sa mga ganitong klase ng negosyo, dapat na reliable, trustworthy at very professional ang online sellers, lalo na kung build on trust dahil sa mga litrato lang nakikita ang mga produkto na ibinebenta.
Kadalasan, nauuna ang pagbabayad sa mga bini-bili kaya talagang honor system ang umiiral sa online selling business.
Kapag pumalpak ang mga online seller at personal shoppers, sira na ang kanilang mga negosyo dahil wala nang nagtitiwala sa kanila.
Marami pa rin naman ang mga online seller at personal shoppers na okey ang image kaya successful ang mga negosyo nila gaya ni Ronite na friend ni Lynette.
Bongga ang mga client at bongga ang image ni Ronite na on time na dumarating ang mga ipinangako na goods sa kanyang mga buyer.
Ang sabi ng ibang clients ni Ronite, pinaka-reasonable sa lahat ang presyo ng mga gamit na ibinebenta niya.
Kailangan na mag-thank you kami ni Cristy Fermin kay Ronite dahil siya ang nagbibigay ng t-shirts na isinusuot namin sa Take It... Per Minute!
Si Ronite ang personal shopper na mapagkakatiwalaan dahil friend siya ni Lynette.
- Latest