^

PSN Showbiz

Alden nakasama sa mga naging dyowa ni Sam!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Alden nakasama sa mga naging dyowa ni Sam!
Sam Pinto

Pinabulaanan ng 29-year-old commercial model-turned actress at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Sam Pinto na engaged na sila ng kanyang present boyfriend, ang Australian-born Fil-Czech na si Anthony Semerad, twin brother ng isa pang cager na si David Semerad na fiancé naman ng aktres na si Gwen Zamora.

Naging open si Sam sa relasyon nila ng PBA cager na si Anthony in October last year.

Si Sam ay nag-mamay-ari ng isang beach resort sa Baler, Quezon, ang L’Sirene Boutique Resort kung saan siya naglalagi kung wala siyang commitment sa Maynila.

Kung karamihan ng mga kilalang male personalities ay sanay na sa pagkakaroon ng maraming nakarelasyon, hindi rin naiiba sa kanila si Sam whose dating history ay nagsimula sa young businessman (ng mga luxy cars) na si Jason Soong. Maging ang ka-loveteam ni Maine Mendoza na si Alden Richards ay sandaling naging kasintahan ni Sam bago pumutok ang Alden-Maine loveteam. Naging boyfriend din ni Sam ang ex-PBB housemate at mister na ngayon ng aktres na si Kaye Abad na si Paul Jake Castillo maging ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca (na kilala rin sa pagiging ladies’ man), ang da­ting UAAP player from De La Salle University na si Simon Atkins, maging ang Azkals player na si Misagh Bahadoran at tumagal din ng dalawang taon ang kanilang relasyon. Pero umaasa si Sam na sana’y si Anthony na ang kanyang maging ‘Mr. Right’ tulad ni Gwen Zamora kay David Semerad.

Samantala, anyday now ay nakatakdang isilang ni Gwen ang magiging first baby nila ng kanyang fiancé na si David ang kanilang magiging first baby na isang boy. Excited na rin si Anthony sa kanyang magiging unang pamangkin sa kanyang twin brother.

Sarah hindi na nakapaghintay sa paglabas ni Matteo

Hindi na makapaghintay ang family at girlfriend ni Matteo Guidicelli na si Sarah Geronimo na hindi nila ito makita bago ito lumabas ng kanyang training camp bilang scout ranger sa Camp Tecson ng San Miguel, Bulacan.

Ang triathlete, singer-actor, celebrity endorser  at young entrepreneur na si Matteo ay military reser­vist ng Philippine army kaya ito sumailalim ng military training. Pumasok ito sa loob ng kampo nung May 27, three days matapos nitong i-launch ang kanyang bagong single under Viva Records na pinamagatang Sundo na unang pinasikat ng Imago Band.  Nakatakda siyang lumabas ng Camp Tecson on July 1 upang ipagpatuloy ang kanyang mga natanguang commitments at kasama na rito ang bago niyang album na ginagawa and a new movie na ayaw pa niyang i-reveal ang title at makakasama sa movie.

Supportive kay Matteo ang kanyang pamilya at kasintahang si Sarah sa kanyang pagiging military reservist at meron na siyang ranggo bilang 2nd lieutenant.

Eddie hindi matatawaran ang mga nagawa noong nabubuhay pa

Alam mo, Salve A., ipinakita talaga ng napakaraming tao kung gaano kahalaga,  karespetado at ka well-loved ang namayapang movie and TV icon na si Eddie Garcia na sumakabilang-buhay sa edad na 90 kamakailan lang. Talagang dagsa ang marami sa three-day wake sa Heritage Memorial Park sa Taguig City na indikasyon kung gaano ka-well-loved ang namayapang screen legend.

Marami na ang nasabi at nasulat tungkol sa magagandang katangian ng namayapang  veteran screen icon na si Eddie pero sana’y magsilbi siyang magandang ehemplo sa mga kabataan ngayon laluna sa mga young actors na ngayon pa lamang ay nagpapakita na ang ilan sa kanila ng kagaspangan ng pag-uugali at pagiging un-professional sa kanilang trabaho.

There will only be one EDDIE GARCIA in his time at sa henerasyon ngayon pero puwede siyang maging magandang inspirasyon sa marami lalo na ng mga kabataan ngayon pagdating sa pagiging magalang, mabait at pagiging passionate at professional sa anumang  trabaho.

Mananatili ang magagandang alaala ni Eddie sa puso’t isipan ng mga tao laluna ng mga taga-industriya,  ng kanyang body of works at masasayang alaala nung siya’y nabubuhay pa.

Samantala, binigyan ng full military honors si Eddie sa ikatlo and final night ng kanyang wake sa Heritage Memorial Park. Bago nag-showbiz si Eddie in late 1949 ay nanilbihan siya sa Philippine Scout at na-assign sa Okinawa, Japan bilang military policeman immediately after World War II.

Ang urn na naglalaman ng mga abo ni Eddie ay inuwi sa bahay ng long-time partner ng namayapang veteran actor na si Lilibeth Romero at hindi pa sigurado kung susundin nito ang hiling ni Eddie na isabog ang kanyang mga abo sa Manila Bay.

SAM PINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with