Na-stroke na sikat na fashion designer may pa-shop & help
Magkakaroon ng fund raising para sa medications/ recovery ng sikat na fashion designer na na-stroke last year at kasalukuyang nasa Home Health Care sa Quezon City na si Frederick Peralta.
Gaganapin ang Shop & Help kung saan ibebenta ang kanyang creations bago siya nagkasakit sa Marriott Hotel Manila, mula June 16 to 23, base Facebook post ni Ms. Michelle Garcia, Director ng Marketing Communications ng Marriott Hotel.
“I invite all my friends in the industry to share the love to Mother Fred (Frederick) through any of the following:
A. Share this to your friends and our poster on SHOP & HELP trunk sale for Mother Fred.
B. Join and buy items from our SHOP & HELP trunk sale from June 16-23 at Marriott 7AM to 7PM.
C. Contribute directly to Mother Fred’s recovery through monetary contributions. Please contact Len Peralta-Caro (mother Freds sister),” bahagi ng post niya.
Naalala kong sa Cafe Adriatico namin madalas makita si Frederick na sobra ang bait at hindi nagka-attitude.
Isa pang nasa facility sa kasalukuyan na kaibigan din ni Frederick ay ang mahusay na scriptwriter and broadsheet editor na si Iskho Lopez.
Ibang kaso ang kay Iskho, wala siyang kamag-anak na mag-aalaga nang magkaroon siya ng slight dementia kaya kinailangan siyang ipasok sa Anawim Lay Missions Foundation Incorporated, na tirahan ng mga senior na walang kamag-anak. Doon maraming kasama si Iskho na kapwa niya matatanda na katulad niya rin ang sitwasyon.
Pero ang masaklap talaga, hindi na siya naalala man lang ng mga nakasama niya noon sa pelikula o mga artistang nabigyan niya ng award sa sinulat niyang kuwento.
Anyway, isama naman natin sa ating mga dasal sina Frederick and Iskho.
- Latest