^

PSN Showbiz

Mga 'not Pinoy enough' dapat bang pagbawalan sumali? BB Pilipinas winners nagsalita

Philstar.com
Mga 'not Pinoy enough' dapat bang pagbawalan sumali? BB Pilipinas winners nagsalita
Ayon sa kanila ay parte na ng ating kasaysayan ang pagkasakop ng Pilipinas nang maraming beses kaya’t hindi maiiwasan na marami ang may halo ang dugo.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Hindi pabor ang mga nagwaging Binibining Pilipinas 2019 na tuluyang ipagbawal sa beauty pageants ang mga kandidatang may halo ang lahi.

Naitanong ang isyu sa panayam sa kanila ng Philstar.com Miyerkules, matapos ilutang ang pekeng petisyon na naglalayong i-ban ang Miss Universe candidates na may mixed descent noong Disyembre 2018.

Kaugnay ito ng artikulong “Half Blood Pinay Bawal na Sumali sa Miss Universe, Vietnam at Thailand Filed a Petitions Including 14 Countries” sa mga kaduda-dudang blog at Facebook page.

"We wouldn’t be here (Wala kami dito kung ganun)!” agarang pagkontra ni Bb. Pilipinas Grand-International 2019 Samantha Ashley Lo, na anak ng isang Filipino-Chinese at Cuban-Nicaraguan.

Sinundan pa ito ng pabirong pagbababa ni Bb. Pilipinas-Supranational 2019 Resham Saeed ng kanyang korona at sinabing, “Here’s my crown (Eto na ‘yung korona ko)!"

Si Saeed naman, na tubong Maguindanao, ay isang Filipina Pakistani.

Bukod kina Lo at Saeed, Filipina-Palestinian naman si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, na kasama rin sa panayam.

Iba't ibang hugis, iba't ibang Pilipina

Sa tingin ni Saeed, dapat daw ipagdiwang ang malawak na kaibahan ng mga Pilipina.

Ayon sa kanya, “I think [the] Philippines is one of the most diverse Asian countries and that should be celebrated.”

(Sa tingin ko Pilipinas ang isa sa mga may pinakamalawak na pagkakaiba-iba sa mga bansa sa Asya at dapat iyong ipagdiwang.)

Dagdag pa niya, “Diversity does bring people together (Pinag-iisa ang mga tao ng pagkakaiba-iba)."

Paliwanag pa niya, wala naman na talagang buong Pilipina sa panahon ngayon, na sinang-ayunan ni Miss Universe Ganados.

Ayon sa kanila ay parte na ng ating kasaysayan ang pagkasakop ng Pilipinas nang maraming beses kaya’t hindi maiiwasan na marami ang may halo ang dugo.

Dagdag ni Lo, “Filipinas come in all shapes and all sizes and we all speak different languages. And standing there with the 40 Binibinis, I think we’re just a representation of each and every type of Filipina.”

(Ang mga Pilipina, may iba-ibang hugis at laki, at lahat tayo iba-ibang lenggwahe ang gamit. Ang pagtayo kasama ng 40 na iba pang mga Binibini, sa tingin ko'y lahat kami ay representasyon ng bawat klase ng Pilipina.)

Ngunit sabi ni Bb. Pilipinas-International 2019 Bea Patricia Magtanong, “That doesn’t make us any less Filipina (Hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako tunay na Pilipina).”

Nais naman daw makita ni Lo ang kagandahan sa pagkakaiba-iba ng mga Pilipino kung saan sinabi niya na sa kabila ng mga giyera at terorismo ay naipakikita na nagsasama at nagmamahalan ang iba-ibang lahi.

“The point is it’s the peace. You can all just come together at the end of the day,” wika ni Lo.

(Ang punto ay ‘yung kapayapaan. Sa dulo, pwede pa rin magsama-sama ang lahat.)

Giit din ni Saeed na masaya silang mabigyan ng pagkakataon na itaas ang bandera ng Pilipinas.

“I don’t think we should be held back simply because people think we’re not Pinoy enough,” aniya.

(Sa tingin ko dapat kaming pigilan dahil lang tingin ng iba hindi kami ganoon ka-Pinoy.)

Tinapos naman ito ni Bb. Pilipinas-Intercontinental Emma Mary Tiglao sa pagsabing, “it boils down to respect (Sa huli, sa respeto ‘yan babagsak),” kung saan sumang-ayon ang lahat ng mga kandidata. — Philstar.com intern Gab Alicaya

BINIBINING PILIPINAS

FILIPINO RACE

MISS UNIVERSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with