^

PSN Showbiz

Maligayang kaarawan, Pepe! — Google

Philstar.com
Maligayang kaarawan, Pepe! â Google
"Today’s Doodle celebrates Filipino author and physician José Rizal, whose passionate writings and selfless devotion inspired the Philippine nationalist movement," sabi ng Google.
Google

MANILA, Philippines — Binati ng Google ang bayani, manunulat at doktor na si Jose “Pepe” Rizal sa kanyang ika-158 na kaarawan ngayong ika-19 ng Hunyo sa pamamagitan ng paglagay ng isang doodle ng kanyang mukha sa kanilang lokal na homepage Martes.

Kasama ng doodle ay ang maikling pagpupugay sa naging buhay ng bayani.

"Today’s Doodle celebrates Filipino author and physician José Rizal, whose passionate writings and selfless devotion inspired the Philippine nationalist movement," sabi ng Google.

(Ipinagdiriwang ng Doodle ngayong araw ang awtor at manggagamot na si José Rizal, na nagbigay inspirasyon sa kilusan sa pagpapalaya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang panulat at walang pag-iimbot na malasakit.)

Isa sa mga tanyag na adbokasiya ni Rizal ay ang kanyang paniniwala sa pag-abot ng kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan.

Kilala rin ang manunulat sa kanyang mga popular na librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo. 

"A frequent contributor to La Solidaridad, a newspaper published in Barcelona, Rizal advocated for the Philippines to be integrated as a province of Spain, represented in the Spanish parliament, and for its citizens to be granted such basic rights as freedom of assembly and expression, and equality under the law," dagdag ng sikat na search engine site.

(Malimit mag-ambag para sa La Solidaridad, na pahayagan sa Barcelona, inilaban ni Rizal na maisanib bilang probinsya ng Espanya ang Pilipinas, magkaroon ng kinatawan sa parlyamento, at mabigyan ng karapatan ang mga Pilipino gaya ng pagproprotesta at pagpapahayag, at pagkakapantay-pantay sa batas.)

Pambansang bayani?

Dahil sa dami at halaga ng mga kontribusyon ni Rizal ay naidikit na sa kanyang pangalan ang pagiging pambansang bayani. Kasama sa nababansagan ng prestihiyosong titulo ay si Andres Bonifacio, na naideklara bilang national holiday ang kaarawan.

Bagama't tanyag at malalim ang kabuluhan sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi tukoy si Rizal bilang pambansang bayani ayon sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.

Taong 1993 ay itinatag ang Komite ng mga Pambansang Bayani sa ilalim ng Executive Order No. 75. Layunin nito na pag-aralan, suriin at magrekomenda ng mga natatanging Pilipino na maaaring itatag na pambansang bayani.

Matapos ang dalawang taon, 1995, ay naglabas ang komite ng listahan ng mga pangalan matapos ang maiging pag-aaral. Kinabibilangan ito nina: Rizal, Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino at Gabriela Silang.

Gayunpaman, wala nang sumunod na aksyon matapos maisumite ang mga pangalan ay wala nang sumunod na nangyari.

Ayon sa komisyon, maaaring dahil ito sa posibilidad na magdagsaan ang mga hiling para sa proklamasyon, at posible rin na magdulot ng mga hindi magagandang debate ukol sa mga kontrobersiya na kinabibilangan ng mga bayani.

Paghanga at paggalang

Nabanggit ng komisyon na maraming historyador ang nagsasabi na hindi na dapat isinasali sa batas ang mga bayani. Bagkus, ipalaganap na lang ang kanilang mga nagawa para sa bansa.

Sa kabila ng kawalan ng aktwal na titulo ng pagiging pambansang bayani, ayon sa komisyon ay patuloy pa rin ang mataas na paghanga at paggalang ng mga Pilipino sa ating mga bayani, lalo na kay Rizal.

Parte ng paggalang na ito ay ang pagdeklara ng kanyang kamatayan, ika-30 ng Disyembre, bilang isang national holiday.

Kasama sa nagbigay pugay para sa bayani ngayong kanyang kaarawan ay ang kanyang alma mater na Unibersidad ng Santo Tomas.

Sa post ng pamantasan sa Facebook ay naglahad ito ng kaunting istorya tungkol sa mabuting pag-aaral at magandang reputasyon ni Rizal noong siya ay nasa unibersidad pa.  — Philstar.com intern Gab Alicaya

GOOGLE DOODLE

JOSE RIZAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with