^

PSN Showbiz

Gina masaya sa mga papuri sa Hintayan...

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Gina masaya sa mga papuri sa Hintayan...
Gina Pareño

SEEN: Masaya si Gina Pareño dahil pinupuri at tinatangkilik ng Pinoy Netflix viewers ang Hintayan Ng Langit, ang pelikula nila ni Eddie Garcia na official entry sa QCinema International Film Festival noong October 2018 at nagkaroon ng commercial run noong November 2018 na pinagwalang bahala ng moviegoers.

SCENE: Dalawa ang nominasyon ni Eddie Garcia sa best actor category ng 42nd Gawad Urian na magaganap sa UPFI Film Center sa darating na Martes, June 18. Nominado si Eddie para sa pagganap niya sa Hintayan Ng Langit at ML.

SEEN: Inaresto noong Huwebes sa New York City ang Hollywood actor na si Cuba Gooding Jr. dahil sa paratang na panghihipo sa isang babae noong June 9, 2019. Maayos ang pagsuko ni Gooding Jr. sa mga arresting officer.

SCENE: Magpapahinga muna sa paggawa ng pelikula sa susunod na taon ang aktor at ang Frontrow International executive na si RS Francisco dahil gusto niya na mag-concentrate sa pamamahala sa direct-selling company nila ng kanyang business partner na si Sam Verzosa. Pahinga rin si RS sa pagganap na Song Liling sa stageplay na M Butterfly.

SEEN: Plano ng singer-actor na si Miguel Vera na mag-migrate sa ibang lugar pagkatapos ng labing-apat na taon na pananatili sa Amerika. Ang Old Iskul ang farewell concert ni Miguel sa August 19, 2019 sa Lamesa Restaurant and Bar, Covina, California. Special guests ni Miguel sina Tateng Katindig at Frencheska Farr.

SCENE: Ang balita na hindi sumipot sa press interview si Bb. Pilipinas 2019 second runner up Samantha Bernardo dahil dinamdam niya nang husto ang resulta ng kanyang pangalawang beses na pagsali sa nasabing beauty pageant. Official candidate din si Bernardo sa Bb.Pilipinas 2018 at second runner up din ang naging puwesto niya.

vuukle comment

GINA PAREñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with