Napangasawang Jewish-American human rights lawyer ni Maria Isabel Lopez sa dating app lang niya nakilala
Ikinasal na rin finally for the second time ang actress-painter at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa kanyang second husband, ang Jewish-American retired human rights lawyer na si Atty. Jonathan Melrod.
Sina Maria Isabel at Atty. Jonathan Melrod ay ikinasal nung nakaraang linggo, June 9 sa Ranchito Milagro ng Sebastopol, California, USA kung saan tumayong Maid of Honor at Best Man ang dalawang anak ng dating beauty queen-turned actress sa una nitong mister, ang Japanese national na si Hiroshi Yokohama na sina Mara Lopez Yokohama at Ken Yokohama. Groomsmen naman sina Eli at Noah Melrod.
Ayon kay Maria Isabel, magkahalong Filipino ang Jewish tradition ang naging seremonyas ng kanilang kasal ni Atty. Melrod.
Ang dating actress at ang naka-base na rin sa Amerika na si Debbie Miller-Moss (ng Eh, Kasi Babae) ang gumawa ng hair and make-up ni Maria Isabel habang ang wedding cake ay ginawa ng dating 1982 Bb. Pilipinas-runner up na si Liza Gino. Ang wedding gown ay gawa ni Casandra Dy.
Ikinuwento sa amin ni Maria Isabel na nagkakilala umano sila ng kanyang bagong husband ngayon nung 2014 sa pamamagitan ng online site na Match.com sa America. Ang sister niyang si Estela na naka-base sa Sacramento, California ang nag-manage at nag-screen ng guys na nagpakita ng interes sa actress at isa-isa umano itong inalam ang respective profiles ng mga ito. Nagsimulang mag-communicate sina Maria Isabel at Jonathan sa pamamagitan ng Facebook at Skype hanggang maging sila.
It was in 2017 nang mag-propose si Jonathan kay Maria Isabel habang sila’y nagbabakasyon sa Vietnam pero nito lamang June 9 silang nagpakasal dahil tinapos muna ng actress ang kanyang mga previous commitments.
Ayon sa dating beauty queen, pareho umano sila ng advocacy ni Jonathan na sumusuporta sa indigenous people ng Pilipinas tulad ng mga Lumads. Si Jonathan ang nag-produce ng Bai Bibyaon. Isa rin umano itong art enthusiast at suportado ang kanyang pagiging painter at pinatayuan siya ng kanyang sariling art studio.
Nakatira ngayon ang bagong mag-asawa sa 4-acre property ni Jonathan in Sebastopol, Sonoma country in California kung saan din ginanap ang kanilang wedding ceremony.
Jimuel super in love kay Heaven
Kung ang mag-asawang Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao lamang ang masusunod, ayaw nilang maging boksingero rin ang kanilang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao. Pero mukhang passion din talaga ni Jimuel ang boxing just like his dad, pero ang boxing hero-turned politician na si Manny Pacquiao.
Hindi tutol ang mag-asawang Manny at Jinkee sa pakikipag-relasyon ngayon ni Jimuel sa young Kapamilya actress at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Heaven Peralejo dahil bukod sa mabait umano ito, nakikita naman nila kung gaano kasaya ngayon ang kanilang panganay. Madalas na ring nakakasama si Heaven sa family affairs ng mga Pacquiao, isang indikasyon na tanggap ito ng pamilya ni Jimuel.
Bukod kay Jimuel, ang apat pang anak nina Manny at Jinkee ay sina Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.
Jericho at Direk Paul gagawa ng panibagong Siargao
Muling makakatrabaho ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales si Direk Paul Soriano at ang production team nito ng Ten17P and Ten Again Films sa isang panibagong film project.
Kung matatandaan pa, si Direk Paul (mister ni Toni Gonzaga) ang nagdirek at nag-produce ng award-winning movie na Siargao na isa sa mga naging kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival at ito’y tinampukan nina Jericho, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith. Ang nasabing pelikula ay nakapag-uwi ng pitong awards including Best Movie ng MMFF at Best Supporting Actress for Jasmine.
Bukod kay Jericho, hindi pa sinasabi kung sinu-sino ang kanyang makakasama sa bago niyang film project with Direk Paul.
Si Jericho ay huling napanood sa hit primetime romantic-drama TV series na Halik kung saan niya nakabituin sina Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby. Ang nasabing serye ay nagsimulang umere nung August 13, 2018 at nagtapos nito lang April 26, 2019.
Jericho is married to Australian model and social media influencer na si Kim Jones. The two got married nung May 1, 2014 pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.
- Latest