^

PSN Showbiz

Cherie pinasisikat ng ‘tita’

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Cherie pinasisikat ng âtitaâ
Cherie

Salamat sa isang Cherie Gil na agad nag-viral ang sinabi niyang “Don’t call me tita” patungkol sa fans at followers ng local showbiz na kahit hindi pa niya ganap na kakilala ay feeling close agad sa kanya at tini-tita na siya. Being the great actress that she is, sineryoso agad ang sinabi ni Cherie. May mga nag-akalang nagbibiro lamang siya pero, siya mismo ang nagsabi na seryosong-seryoso siya nang sabihin niya ito at may galit pang nabanaag sa kanyang reaksyon. 

Sa halip na ang slogan ng reality artista search ng Starstruck na Dream. Believe. Survive ang pinag-uusapan, ang tita isyu ang mas maingay ngayon, buti na lamang at not enough to steal the thunder sa pinaka-unang talent search na naka-discover kina Jennylyn Mercado, Yasmien  Kurdi, Aljur Abrenica, Miguel Tanfelix, Kris Bernal, Enzo Pineda, Ryza Cenon, Mark Herras, Mike Tan, Katrina Halili, Rocco Nacino, Megan Young, Alden Richards, Natalie Hart, Sarah Labahti, Sef Cadayona, Jackie Rice at marami pa, wheww....

Si Dingdong Dantes pa rin ang magsisilbing host pero, join sa kanya si Jennylyn.

Interesting ang bubuo ng bagong Starstruck Council – Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo. Huwag taasan ng kilay ang Dabarkads Jose dahil sa kabila ng kanyang pagiging tahimik sa mga tumututol sa pagkakabilang niya sa Council malaki ang karanasan niya sa pag-discover ng mga bago at kabataang  artista na matagal na niyang ginagawa sa Eat Bulaga.

Twenty two ang mga successful auditionees, 11 boys and 11 girls. Agad mababawasan sila sa unang araw ng programa sa June 15, Sabado, at sa mga susunod pang Sabado.

Pagtitinda ng Chinese flag sa Araw ng Kalayaan, malaking kabastusan

Hanggang kailan tayo makapagti­timpi sa ginagawang pambabastos sa atin ng mga kapatid nating Asyano na mga Tsino? Sino ba baman ang hindi magagalit kung ganyang tayo ang nadiriwang ng Araw ng Kalayaan natin pero, may mga nagtitinda ng Chinese flags sa ating National Park na Luneta. Dapat papagpaliwanagin ang mga taong nasa likod nito, at kapag wala silang maibigay na magandang dahilan ay ikulong sila. Yung pagpito lamang sa ating kababaihan ay tinatanggap na nating isang pambabastos at labag sa batas, yung pagtitinda pa kaya ng mga bandilang banyaga at sa panahon mismo ng ating Independence Day celebration?

Vickie hindi kapalaran ang maging beauty queen

Huwag nang dagdagan pa ni Vickie Rushton ang kasiphayuhan niya sa katatapos na Binibining Pilipinas beauty pageant sa pagbibigay ng dahilan kung bakit nawindang siya sa pagsagot sa bahagi ng Q&A. Na-train naman sila na to rise above pressure, no matter what her reasons are. Kung dati ay nagra-runner up siya, last time nawala ang pangalan niya sa final roster. Paano pa siya babawi? Tanggapin na niyang hindi siya swerte sa beauty contest. Baka may iba siyang dapat na kalagyan.

Empoy balak magseryoso

May movie muli ang Alempoy (Alessandra de Rossi at Empoy Marquez). Pero, baka iba na ang maging tema ng kuwento eh, gusto ng manonood ang komedyante sa kanyang kapayakan sa Kita Kita. Kapag sineryoso ang role niya ay baka hindi siya pumatok, kahit gaano pa kagaling ang direktor nilang si Sigrid Andrea Bernardo. Ano pa kayang role ang babagay kay Empoy? Matatandaang after Alex ay sinubok siya sa ibang kapareha pero, hindi naging kasing-init ang naging pagtanggap nila sa project niya.

CHERIE GIL

CHINESE FLAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with