Jayson pumiyok na nabastos si Vickie
Ang maiingay na fans ang naiisip na dahilan ng boyfriend ni Vickie Rushton na si Jayson Abalos kaya hindi ito nakasagot ng maayos sa Q & A portion ng Binibining Pilipinas noong Sabado ng gabi.
Tweet ng actor : “Ganito, lahat kasi napapansin ni Vickie, kahit yung kumakain na parang baboy sa mesa yung maingay ngumuya, yung tama ng kutsara sa plato, lahat ng turo sa kanila sa school pati ‘yung kapag nagsasalita ka dapat patapusin ka muna bago sumabat, pwera na lang kung babastusin ka talaga at hindi papatapusin.
“Sobrang prepared siya sa lahat, pinaghandaan niya talaga to.
“Hindi lang siya handa sa fans ng ibang candidates na nag-ingay nong siya na ang sumasagot sa Q&A.
“Hindi ko sila masisisi kung ako man siguro iba ang bet ko tapos hakot awards yung isa, makakaramdam din ako ng takot.
“Pero tapos na guys, okay na yan. Happy ang lahat ng candidates sa naging experience nila.
“Marami silang natutunan. Matuto na rin tayo rumespeto ng ibang tao.
“Kung mas magaling kayo ‘wag na kayong magyabang. Okay na yan. Ok? Ok. God bless you all,” sabi ng actor.
Abot-kamay na nga sana ni Vicky ang korona pero ‘yun nga, sumemplang siya sa Q&A.
- Latest