^

PSN Showbiz

Gerphil ikakasal na sa long-time bf!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Gerphil ikakasal na sa long-time bf!
Gerphil Flores

Nung meron pang Walang Tulugan with the Master Showman ng yumaong star-builder at actor-comedian-TV host na si German “Kuya Germs” Moreno, regular naming napapanood ang soprano classical singer na si Gerphil Flores sa nasabing programa dahil isa siya sa mga paboritong singer-performer ni Kuya Germs. 

Katunayan, isa siya sa pinarangalan ng Master Showman ng sarili niyang star sa Stars Walk of Fame sa Eastwood City in Quezon City nung 2015 matapos siyang maging finalist sa unang season ng Asia’s Got Talent na ginanap sa Singapore.  Napaka-powerful ng boses ni Gerphil bilang isang soprano classical singer na kanyang sinimulan since she was three years old sa Germany kung saan siya isinilang at lumaki to a German father at Filipina mother with Chinese, Japanese and Spanish descent.

Baby pa lamang noon si Gerphil ay madalas na siyang dinadala ng kanyang parents sa German opera houses kaya pagdating ng tatlong taon ay kumakanta na ito ng mga classical songs composed by Wolfgang Amadeus Mozart at Ludwig van Beethoven. Pero in 1994 ay nag-relocate sila sa Pilipinas kung saan naman nagpatuloy si Gerphil sa kanyang singing career at an early age. 

Si Gerphil ay tinaguriang Asia’s Golden Girl matapos siyang maging finalist sa 2015 Asia’s Got Talent.

Matapos niyang mag-aral ng musika sa U.P., nag-aral din siya sa University of British Columbia sa Canada ng Arts History kung saan siya grumadweyt recently.

In July 2018 ay engaged na siya sa kanyang boyfriend of nine years na ayaw pa niyang i-reveal ang pangalan hanggang ngayon.  Pero malamang na sa taon ding ito ikasal si Gerphil na kaya pala naging tahimik ang singing career sa Pilipinas dahil nag-aral ito sa Canada at kamakailan lamang nagtapos.

Kung buhay pa hanggang ngayon si Kuya Germs, tiyak na magiging proud ito sa bagong achievement ni Gerphil at tiyak ding kukunin siyang ninong sa kasal sa kanyang non-showbiz boyfriend na inaasahang mangyayari bago magtapos ang taong ito.

Kwento nina Gabby at Jennylyn hindi pumalo ang rating!

Gaano kaya katotoo ang balita na malamang hindi na magtagal sa ere ang programang I Love You Two na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado at pinamamahalaan ni Irene Villamor dahil hindi umano gaanong pumapalo sa rating?

It was only last April 22 nang magsimula sa ere ang I Love You Two kung saan introducing ang ex-boyfriend ng reigning Miss Universe na si Catriona Gray na si Clint Bondad.

Kapag hindi gaanong pumapalo sa rating ang isang programa ay kadalasang tumatagal lamang ito sa ere ng halos tatlong buwan.

GERPHIL FLORES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with