Sandara marunong tumanaw ng utang na loob
Kapag nakita mo Salve kung paano itrato ni Sandara Park sina Elena at Aileen Go ng Megasoft, maiisip mo na hindi rin nakakapanghinayang na maging mabait sa isang celebrity.
Sincere na sincere at kitang-kita ko ang pagmamahal ni Sandara kay Elena at kung paano siya tumanaw ng utang na loob kay Aileen Go.
Si Elena ang road manager ni Sandara noong nag-aartista pa ito sa Pilipinas at kung paano ang pag-aalaga niya noon sa sikat na Korean star, ganoon pa rin ang kanyang pag-aasikaso.
Grabe ang pagyakap at paghalik ni Sandara kay Elena. Si Aileen naman, inaalagaan niya si Sandara kapag umuuwi ito sa Pilipinas kaya bongga rin ang treatment sa kanya ni Sandara nang magpunta siya sa South Korea.
Marunong si Sandara na tumanaw ng utang na loob kaya ang manager niya sa Korea ang nag-book sa restaurant na pinuntahan namin, siya rin ang nag-order ng food at nag-asikaso sa amin habang wala pa si Sandara.
Dumating din sa restaurant ang glam team ni Sandara, ang kanyang make up artist, hair stylist, road manager at isang K-Pop singer na bestfriend ni Sandara. We felt so important, so special.
At sa buong panahon na nagkukuwentuhan kami, sa wikang Tagalog ang pakikipag-usap ni Sandara sa amin.
Elena is so lucky na inalagaan niya ang isang celebrity na tulad ni Sandara na nakakainggit dahil isang Koreana pero marunong tumanaw ng utang na loob. Napatunayan ko kay Sandara na totoo ang kasabihan na love begets love.
Pops produng produ na
Si Pops Fernandez pala ang producer ng Feelennial, ang comedy movie na starring sina AiAi Delas Alas at Bayani Agbayani.
Feelennial ang tawag sa mga tao na feeling millennial at ito ang mga karakter na ginagampanan nina Bayani at AiAi sa unang movie project ng DSL Productions ni Pops. Noong araw, mga nagmumurang kamatis at kamias ang tawag sa mga matanda na nagpapanggap na bagets.
Napapanood na ang trailer ng Feelenial and in fairness, natatawa ang mga tao sa mga eksena nina AiAi at Bayani.
Sa June 19 na ang playdate ng Feelennial at i-expect natin na tutulong si Pops sa promo ng pelikula bilang siya nga ang producer.
Maja at BF nagpapakaligaya sa Bali
Spotted na nagbabakasyon sa Bali, Indonesia si Maja Salvador at ang kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez.
Love is lovelier the second time around ang love story nina Maja at Rambo na nagkaroon na noon ng relasyon, nagkahiwalay at nagkabalikan.
Baka nga destined ang dalawa para sa isa’t-isa dahil nagkaroon na sina Maja at Rambo ng ibang mga karelasyon pero ang ending, sila pa rin.
Vickie Rushton malaki ang chance!
Official candidate sa Bb. Pilipinas 2019 ang girlfriend ni Jason Abalos na si Vickie Marie Rushton na first runner nang mag-join sa nasabing beauty contest noong nakaraang taon.
Itinanggi ni Jason na ang mga organizer ng Bb. Pilipinas ang nagsabi sa kanyang girlfriend na subukan uli ang kapalaran ngayong 2019.
Sinabi ni Jason sa mga reporter na nakausap niya na kusang-loob ang second time na pagsali ni Vickie sa prestigious beauty pageant.
May mga hula na malaki ang chance ni Vickie na mag-win at magkaroon ng beauty title sa grand coronation sa June 9 dahil bukod sa bonggang transformation, nadagdagan din ang kanyang self-confidence.
- Latest