^

PSN Showbiz

Venus mas abala sa salita ng Diyos

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Venus mas abala sa salita ng Diyos

SEEN: Ang mini-concert ni Matteo Guidicelli sa The Music Hall noong Sabado nang gabi. Isang oras na nag-perform si Matteo at dito niya ipinarinig ng live ang sariling version ng Sundo, ang ‘90’s hit song ng Imago. Malakas ang palakpakan ng audience nang kantahin ni Matteo ang Kilometro, isa sa mga hit song ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. Ang single launch ang last public appearance ni Matteo dahil magsisimula na bukas, May 27, ang military training niya sa Cavite.

SCENE: Nagpapasalamat si AiAi Delas Alas sa Diyos dahil tagumpay ang heart bypass surgery sa kanyang 91-year-old adoptive mother. As of presstime, naka-confine pa sa ICU ng isang ospital sa Quezon City ang nanay ni AiAi.

SEEN: Contestant kahapon sa Boom game ng Eat Bulaga ang former beauty queen na si Melanie Marquez. Nasabugan si Melanie dahil sa maling sagot nito na isang uri ng masahe ang masseuse.

SCENE: Hindi na active sa showbiz si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj dahil priority niya ang pagbabahagi ng mga salita ng Panginoon.

SEEN: Ang pagbabawas ng timbang ang aasikasuhin ni Quezon City District V House Re­­pre­senta­tive Alfred Vargas dahil aminado siya na tu­­maba noong panahon ng kampanya para sa mid­term e­lec­tions. Huling termino na ni Alfred bilang congressman.

SCENE : Nanalo si Charry Ortega bilang konsehal ng 5th District ng Maynila. Si Charry ang asawa ng aktor na si Robert Ortega na natapos na ang siyam na taon na panunungkulan bilang konsehal ng kanilang distrito.

SEEN: Dahil sa hindi makatarungan na mga batikos niya laban sa ABS-CBN, naungkat ang isyu tungkol sa diumano’y pagtawag ni Jimmy Bondoc ng “palaka” sa kanyang ex-girlfriend, ang singer na si Nina. Ang break up nina Jimmy at Nina ang isa sa mga showbiz controversy noong 2007.

MATTEO GUIDICELLI

VENUS RAJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with