Star Awards naglabas ng nominasyon!
Pormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga opisyal na nominado para sa 35th PMPC Star Awards For Movies, na nakatakdang maganap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, sa ika-2 ng Hunyo, 2019.
Ngayong taon, bilang pakikiisa sa ika-100 taong selebrasyon ng Pelikulang Pilipino, ang pamunuan ng PMPC ay magbibigay ng pagkilala sa mga natatanging bituin ng siglo. Sila ang mga bituin na nagningning sa loob ng 100 taon.
Pagkakalooban din ng karangalan ang Outstanding Pillars of PMPC na sina Ethel Ramos, Ronald Constantino, Veronica Samio at Letty Celi.
Ipagkakaloob naman ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kay Dante Rivero, si Ms. Laurice Guillen ang tatanggap ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.
Ang 35th PMPC Star Awards For Movies na nasa pamumuno ngayon ni Sandy Mariano ay nasa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at direksyon ni Bert de Leon.
Naririto ang mga nominado:
MOVIE OF THE YEAR: Ang Dalawang Mrs. Reyes, BuyBust, Goyo: Ang Batang Heneral, Rainbow’s Sunset, Signal Rock, The Hows Of Us, Through Night And Day.
MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR: Cathy Garcia-Molina – The Hows Of Us; Joel Lamangan -- Rainbow’s Sunset; Erik Matti – BuyBust; Jun Robles Lana – Ang Dalawang Mrs. Reyes; Chito Roño – Signal Rock; Jerrold Tarog – Goyo: Ang Batang Heneral; Veronica Velasco – Through Night And Day
INDIE MOVIE OF THE YEAR: Bakwit Boys – T-Rex Entertainment Productions; Citizen Jake – Cinema Artists Philippines; Distance – Cinemalaya Foundation, The Idea First Company, CMB Film Services; Hintayan Ng Langit – QCinema, Project 8 Corner San Joaquin Projects, Globe Studios; Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon – Cinemalaya Foundation, Cleverminds Inc., Cineko Productions; Liway – Cinemalaya Foundation, VY/AC Productions, Exquisite Aspect; ML – Cinemalaya Foundation, Lonewolf Films, CMB Film Services
INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR: Carlo Enciso Catu –Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon; Mike De Leon – Citizen Jake; Perci Intalan – Distance; Jason Paul Laxamana – Bakwit Boys; Benedict Mique -- ML; Kip Oebanda -- Liway; Dan Villegas – Hintayan Ng Langit
MOVIE ACTOR OF THE YEAR; Ogie Alcasid – Kuya Wes; Nonie Buencamino -- Distance; Paolo Contis – Through Night And Day; Dingdong Dantes – Sid And Aya: Not A Love Story; Eddie Garcia – Rainbow’s Sunset; Coco Martin – Jack Em Popoy; Daniel Padilla – The Hows Of Us; Piolo Pascual – Ang Panahon Ng Halimaw; James Reid – Never Not Love You; Vic Sotto – Jack Em Popoy
MOVIE ACTRESS OF THE YEAR : Kathryn Bernardo – The Hows Of Us; Iza Calzado – Distance; Anne Curtis – Buy Bust; Glaiza De Castro -- Liway; Alessandra De Rossi – Through Night And Day; Sarah Geronimo – Miss Granny; Nadine Lustre – Never Not Love You; Gina Pareño – Hintayan Ng Langit; Gloria Romero – Rainbow’s Sunset ; Judy Ann Santos – Ang Dalawang Mrs. Reyes.
Piolo at Direk Joyce malawak ang plano sa pagpo-produce
Talagang pinangangatawanan ng Spring Films nina Bb. Joyce Bernal, Ericson Raymundo at Piolo Pascual ang pagpapatatag ng kanilang film production company.
Meron na naman silang bagong movie at nakipag-collaborate sila sa isang Korean film company para magawa ang Sunshine Family, tungkol sa isang pamilya na matagal nang nasa Korean na nagbabalak nang bumalik ng kanilang sinilangang bansa pero, nakaaksidente pa ang ama ng tahanan bago sila nakaalis na nagpabago sa kanilang plano.
Tampok sina Nonie at Sharmaine Buencamino kasama si Sue Ramirez na siya lamang ang palaging nakikitang nagpu-promote ng pelikula. Sa Korea kinunan ang Sunshine Family.
Matteo may bagong pinauuso
Forty five days na mami-miss ng kanyang mga supporters si Matteo Guidicelli dahil magsisimula na itong mag-training sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Mukhang isa si Matteo sa magpapauso ng mga artistang sumasabak sa military training.
Sa Korea ko lang nababalitaan ito kaya nga maski na yung mga malalaking artista nire-require nito na sinusunod naman nila kahit pa mawala sila sa kasagsagan ng kanilang kasikatan.
Nauna nang pumasok sa military training si Gerald Anderson na kasapi naman ngayon ng Coast Guard.
- Latest