^

PSN Showbiz

Kainan nina Ryan at Juday dinumog agad-agad!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kainan nina Ryan at Juday dinumog agad-agad!

MANILA, Philippines — Operational na ang Angry Adobo restaurant nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na nasa 2456 Taft Avenue, Malate Manila. Sobrang successful ang soft opening noong May 15 na dapat for family and friends lang, pero hindi napigilan ng tao na pumasok nang makitang bukas na ang resto.

Si Judy Ann ang Chef at cook ng Angry Adobo at nabanggit na hole in the wall resto, pero mukhang magi­ging malaki sa rami ng susuporta.

Post ni Ryan: “Our supplies were supposed to last for 2 days. We were wiped out early.”

Ang Angry Adobo ang main course ng resto, pero nabasa namin sa menu na may Angry Adobo classic, Angry adobo Shortribs, Angry adobo Chicken, Angry adobo Sardines w/ Egg at iba pang dishes.

Sa napanood naming video sa soft opening, marami ngang tao at nakakatuwang isa si Judy Ann sa nag-serve ng food. Nakakatuwa dahil pati fans, excited at natutuwa sa bagong business nina Ryan at Judy Ann at nangako silang pupunta para kumain kahit taga-ibang lugar sila.

Maine damay, lovelife ni Vico hinahalukay!

Nakakatuwa ang honest mistake ng report ng ABS-CBN sa pagkakapanalo ni Vico Sotto na mayor ng Pasig City. Dahil sa halip na Coney Reyes, “Connie Sison” ang nasulat na napansin ni Arnold Clavio kaya nagbiro na si Connie Sison.

Speaking of Vico, may nagsi-ship uli sa kanya kay Maine Mendoza dahil minsan na silang na-link na nilinaw ni Vico na walang katotohanan. Saka, may Arjo Atayde na si Maine, hayaan nang humanap ng sarili niyang pag-ibig sa Vico.

In fact, may nagsi-ship sa kanya sa YouTuber at beauty guru na si Janina Vela na taga-Pasig City din at supporter ni Vico. May mga kinilig sa convo ng dalawa na nagtapos sa pasasalamat ni Vico kay Janina “for being there” raw.

Gabbi pasok sa Descendants…

Tama ba ang paniwala ng Kapuso fans na kasama sa cast ng Descendants of the Sun si Gabbi Garcia? Dahil ito sa nag-aaral bumaril si Gabbi bilang paghahanda raw sa gagawin niyang primetime soap sa GMA-7.

Wala namang bagong project ang network na may barilan kundi ang DOTS, kaya masaya ang fans nito kung totoong kasama siya sa cast ng DOTS na pagbibidahan ni Dingdong Dantes at kung totoo ang balita, si Jennylyn Mercado raw ang makakapareha.

May request naman ang fans nina Gabbi at Ruru Madrid na kung hindi sa DOTS kasama si Gabbi, sana ibalik ang tambalan nila ni Ruru. Maiintindihan naman daw ni Bianca Umali kung muling magtambal sina Gabbi at Ruru.

Magkasama sina Gabbi at Thea sa sinasabing bagong primetime soap ng GMA-7. Ibig bang sabihin, kasama rin si Thea sa DOTS?

Pancho at Max P10 million ang binabayarang bahay

Ang swerte ng mag-asawang Pancho Magno at Max Collins, pareho silang may soap

sa GMA-7 at pareho silang may talent fee. Dahil parehong may regular show, malaking tulong ang talent fee ng mag-asawa para mabilis mabayaran ang kinuha nilang worth P10-M house sa Town and Country.

Ang narinig naming kwento, three-bedroom house ang kinuha nina Pancho at Max para sa sisimulan nilang pamilya. Kaya sobrang sipag ang mag-asawa ngayon, para may pang monthly amortization.

Si Max ay napapanood sa Bihag bilang asawang niloko ni Jason Abalos at ng mistress nitong si Sophie Albert.

Si Pancho naman ay kasama sa cast ng Afternoon Prime na Dahil sa Pag-ibig bilang si Gary, ex-BF ng karakter ni Sanya Lopez, rich at gagawin ang lahat sa tulong ng kanyang pera na balikan siya ni Sanya.

Sa May 20, na ang simula ng airing ng Dahil sa Pag-ibig , kapalit ng Inagaw na Bituin  sa direction ni Ricky Davao.

vuukle comment

RYAN AGONCILLO AND JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with