Anton hindi natanggihan nina Regine at Vice
Natuwa naman ako sa Anton Diva Shine XXII AD concert ni Anton Diva na nakilala bilang impersonator ni Regine Velasquez.
Mukhang cute na panoorin ang first major concert ni Anton Diva dahil bongga ang mga special guest niya, sina Regine Velasquez at Vice Ganda.
Si Teri Aunor ang producer ng concert ni Anton at happy ang production dahil kapag ang mga beki ang magkakasama na nagtrabaho, siguradong enjoy sila kahit pagod.
Sa June 15, 8 pm ang concert ni Anton sa Cuneta Astrodome kaya mas mahaba pa ang paghahanda na puwedeng gawin niya at ng production staff.
Tiyak ko na marami ang manonood ng Shine dahil maganda nga ang combination nina Anton, Regine at Vice.
It’s about time na magkaroon na si Anton ng major show dahil talented singer siya. Si Anton ang kauna-unahan na impersonator ni Regine, bago pa nagsulputan ang ibang mga copycat.
Take it... nagmukhang major production sa Cignal
Kung hindi lang ako nasarapan na katrabaho si Cristy Fermin at love ko sina Bb. Tina Roa at Japs Gersin, talagang hindi na ako sanay sa pictorial at voice recording.
Masarap din na kasama si Mr. Fu na kahit pang-gasoline lang ang talent fee, join sa Take It... Per Minute! namin ni Cristy.
Pagod na pagod ang feeling ko sa pictorial at hiyang-hiya ako sa voice recording dahil di ko ma-pronounce ang letter H na ewan ko kung bakit o baka noon pa man, mali na ang pronunciation ko.
Naku, masakit talaga ang ulo ko. Mabuti na lang, may suot ako na tube blouse sa ilalim ng damit ko at sure ako na wala naman titingin sa katawan ko kaya sa likod ng plywood na lang ako nagpalit ng blouse.
Sure ako na humulas ang make up ko na walang retouch dahil sa sobrang init pero no care ako.
Ang bait pa naman ng staff ng Cignal TV na maasikaso at magagalang. Kung hindi lang napamahal sa akin ang Take It.. Per Minute!, walk out na talaga ako.
Dahil sa Cignal TV, nagmukhang major production ang pictorial at recording namin para sa Take It…Per Minute!
Resulta ng eleksiyon inaabangan na
Happy Mother’s Day sa lahat ng mga nanay gaya nina Mother Lily Monteverde, Manay Ichu Vera Perez-Maceda, Lorna Tolentino, Amy Austria, Glydel Mercado, Pauleen Luna, Sandy Andolong at sa another alaga ko na hindi puwedeng banggitin ang name dahil kandidato siya.
Maraming salamat naman sa lahat ng mga nakaalaala na batiin ako ng Happy Mother’s Day na memorable sa mga Pilipino dahil kasunod nito ang eleksyon na magaganap bukas, May 13.
Magkakaalaman na kung sino sa mga kandidato ang gusto at patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga botante.
Dahil holiday bukas, tututukan ko ang live coverage ng GMA 7 sa Eleksyon 2019 dahil type ko na makita ang bonggang set na gagamitin nila at ang bagong state-of-the-art equipments na worth P63 million.
Sure ako na mag-e-enjoy ang televiewers sa panonood sa live coverage ng Kapuso Network sa eleksyon na maging mapayapa sana.
Siyempre, ang resulta ng pagtakbo ng mga artista na kandidato ang isa sa mga unang aalamin ko.
- Latest