^

PSN Showbiz

Maganda at magaling na aktres, tumatak ang pangalan sa kaelyahan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malayo sa nakikita nating imahe ng isang young actress ang mga kuwentong umiikot tungkol sa kanya. Parang hindi siya ‘yun. Parang wala siyang kapasidad na gumawa ng hindi kanais-nais sa kanyang murang edad.

Parang napagkakaisahan lang siya, parang gawa-gawa lang ang mga kuwentong pinagpipistahan na siya ang bumibida, madaya nga kasi ang kanyang itsura.

Pero bakit kaya hanggang ngayon ay ayaw mamatay-matay ng mga kuwento ng kalikutan ng young actress? Bakit palagi siyang pinagkukuwentuhan nang palihim?

Kuwento ng isang source, “Nakapagtataka lang kasi dahil pagkatapos ng isang kuwento, e, meron na namang lalabas na bago. Pagkatapos nu’n, e, meron na naman!

“Mainit daw talaga ang girl. Malikot siya. Parang hindi siya mapakali kapag wala siyang ginagawang kakaiba. Pero very deceiving ang itsura niya, ha? Malayo sa image niya ang mga kuwentong bumabalot sa pagkababae niya,” namamanghang komento ng aming source.

Nagbalik-alaala ang ilang sumusubaybay sa career ng young actress. Marami nang nakakapansin nu’ng bagito pa lang siya na may kakaiba siyang katangian.

Sabi ng source, “Kahit nu’n, e, marami nang nakakapansin na very hot siya. Mapagkuha siya ng attention. Talagang pagdating sa boys, e, buhay na buhay ang libido niya.

“Nakakapanghinayang lang dahil maganda pa naman siya, magaling siyang umarte, pero ang palaging napag-uusapan kapag siya ang topic, e, ang kalikutan niya.

“Ilang beses na siyang bumibida sa mga iskandalo, sana, huli na ‘yun, dahil nakapanghihinayang talaga siya. Pigilin niya na lang sana ang init ng katawan niya, hindi enough reason na bata pa kasi siya.

“Huwag na sanang masundan pa uli ‘yun dahil kapag nangyari na naman ang ganu’n, e, baka sa kung saan na siya pulutin. Sayang siya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Jude hindi masalita, sobra sa gawa

Break namin sa Cristy Ferminute nang maramdaman naming gu­magalaw ang inuupuan naming monoblock. Agad kaming tumayo, sinabihan namin sina Wendell Alvarez at Tina Roa na kailangan naming lumabas sa kinaroroonan namin sa ikalawang palapag ng gusali ng TV5, nasalubong namin ang mga nagtatakbuhang kasamahan namin sa network.

Walang lindol, sabi pa ni Tina, meron lang daw nag-akyat ng mga bakal sa pamamagitan ng bukas na elevator na kargahan ng mabibigat na materyales.

Pero nang makita ni Tina na nag-uumpugan na ang mga tanikala ay ito pa ang unang tumakbo, lumilindol nga raw, ma­tindi ang kanyang nerbiyos.

Hilung-hilo naman si Wendell dahil nakatayo ito, “Para akong idinuduyan, nakakahilo!” sabi pa ng aming partner sa radyo.

Bumaba na raw kami, sabi ng aming mga nakakasalubong, iwanan na raw namin ang radyo dahil may mga aftershocks pang kasunod ang unang atake ng lindol.

Payapa na ang paligid, nagdesisyon kaming bumalik sa himpapawid, parang kami na nga lang yata ng aming staff ang nasa second floor ng building.

Taong 1990 nang maramdaman namin ang pinaka­matinding lindol sa tanang buhay namin. Nu’ng gumuho ang Hyatt Hotel sa Baguio, nang mamatay ang marami naming kababayan sa pagguho ng Liwag College sa Cabanatuan City, nu’n din lumubog ang mga nakasugang kalabaw sa mga bukirin ng Gabaldon sa aming probinsiya.

Tumawag agad si Colonel Jude Estrada. Kumusta na raw kami, malakas daw ba ang pagyanig sa gusali ng TV5, dobleng ingat daw kami sa mga susunod pang pagyanig na natural lang na nagaganap.

Ganu’n siya palagi. Kapag umulan nang malakas sa Greenhills kung saan sila nakatira ay agad na siyang magtse-check. Matindi ang kanyang pag-alala at malasakit.

Tama si Manay Lolit Solis. Nakakainggit daw ang samahan namin ni Col. Jude, mag-inang-mag-ina talaga kami, siya ang pinakamahal namin sa angkan ng mga Estrada.

Wala siyang pagbabago mula nu’n hanggang ngayon. Tahimik lang si Col. Jude pero ang katahimikan niyang ‘yun ang pinakamaganda niyang katangian.

Mas malamang siya sa gawa kesa sa basta salita. Sabi nga ng mga kaibigan namin, “Kay Hudas, palaging may bukas!”

A CRISTY FERMINUTE

JUDE ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with