^

PSN Showbiz

Maledicto, 4 years in the making

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Maledicto, 4 years  in the making

Sabi ni Direk Mark Meily, napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng very talented cast para sa Maledicto, ang unang local film na prinodyus ng Fox Networks Group Philippines.

Tampok sa Maledicto sina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis Smith, Miles Ocampo, Inah de Belen, Eric Quizon, Martin Escudero, Franco Laurel, Nonie Buencamino, Liza Lorena at Menggie Cobarrubias.

Pinuri rin ni Direk Mark ang Fox Productions at ang marketing team nito. Dahil first time raw niya nakita ang ganoong klaseng effort para i-promote ang pelikula.

Ayon naman kay Direk Mark, may local flavor ang Maledicto pero may appeal din ito ng isang digital film. Ang kwento ng exorcism ay nararanasan sa ibang panig ng mundo pero may local flavor ang maiden project ng Fox Productions.

Nang umpisahan ang project na ito four years ago, ang plano ng Fox Productions ay gawin itong mini-series kaya character-driven ang kwento. Gusto kasi nila na ang kwento ay pwedeng ma-expand. Pero later on ay na-decide na instead of a mini-series ay isang full-length film na ang gawin.

Ang development process nito ay inabot ng apat na taon. Ang unang shooting day nito ay nung May 2018 pero mas mahaba ang prosesong ginugol sa pre-production stage ng movie. May briefing pa raw sila sa Fox pagdating sa ethics sa paggawa ng pelikula.

Istrikto raw ang Fox sa maraming bagay pagdating sa paggawa ng pelikula kaya inabot sila ng four years.

Matinding kombinasyon ng mga seasoned actors at mga talented performer ang gumaganap sa mga importanteng papel sa movie kaya asahan na isang matinding pelikula ang mapapanood ng mga viewers sa May 1.

Ang Maledicto ay produced ng Fox Network Group Philippines at Cignal Entertainment.

MALEDICTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with