^

PSN Showbiz

Coco sobra-sobra ang natanggap na biyaya sa pagdarasal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco sobra-sobra ang natanggap na biyaya sa pagdarasal!
Coco

Masarap sa pakiramdam na pano­orin ang video na ginawa nina Manay Ichu Maceda at Bishop Soc Villegas tungkol sa devotion ng mga artista natin kay God.

Nakakatuwa talaga na si Vic Sotto, kahit saan magpunta, hindi nawawala sa bulsa niya ang kanyang Holy Rosary. Ang sabi nga ni Bossing, maiwan na ang kanyang wallet o cellphone, huwag lang ang rosary na araw-araw na dala niya.

Si Maine Mendoza bago sumalang sa Eat Bulaga, say a little prayer muna, pati sa paggising sa umaga at bago matulog sa gabi.

Si Alden Richards, basta magagawa niya, hindi puwedeng  hindi magsimba kapag Linggo at hindi maaaring  lumipas ang araw na hindi siya nagdarasal.

Si Coco Martin, deboto ng Black Nazarene at hanggang ngayon nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng mga trabaho na idinasal niya na mabuti noong struggling days niya bilang artista.

Nangako si Coco na  gagawin nito ang lahat ng pasasalamat at kahit hindi na siya matulog, basta bigyan siya ng trabaho.

Natutuwa si Coco dahil sobra-sobra ang mga biyaya na ibinigay ni God sa kanya at natatawa na ikinuwento niya na mula noong 2007 hanggang ngayon, halos hindi na siya natutulog.

“Ang lola ko ang nagturo sa akin na magdasal kasi noong bata pa lang ako, lagi niya po akong nakakasama kapag nagsisimba po kami sa Quiapo.

“Sa trabaho ko bilang artista at kahit papaano po, nakakapag-direct na ako sa Ang Probinsyano, hindi po namin sinisimulan ang araw na hindi kami nagdarasal.

“Dati, ang hinihiling ko, bigyan lang ako ng trabaho, yung regular, kahit huwag na po akong matulog.

“Dumating po ang pagkakataon na ibinigay Niya sa akin na mula noong 2007 hanggang ngayong 2019, hindi na po ako natutulog.

“Halos araw-araw na po akong nagtatrabaho. Ang pangarap ko lang naman po noon, simple.

“Everytime na nagpupunta ako sa Quiapo, nagdarasal ako na sana, bigyan po ako ng trabaho na regular na mabubuhay ko yung pamilya ko.

“Hindi ko po inakala na ang ibibigay po pala sa akin ng Diyos ay sobra-sobra pa sa hiningi ko.

“Kung ano po ako ngayon, kung ano po ang narating ko, alam ko po na ibinigay lamang Niya sa akin ito.

“Para po sa lahat ng kabataan at sa lahat po ng mga pamilya, sana po ipagpatuloy natin ang pagdarasal dahil ito po ay magiging patnubay natin at magiging lakas po natin para magkaroon tayo ng baon na lumaban sa araw-araw na pagsubok natin sa buhay.

“Hindi lang para sa kung anumang blessing ang ibibigay sa atin, kundi para protektahan tayo sa anumang sakit o anumang kapahamakan,” ang sharing ni Coco tungkol sa kanyang malakas na pananampa­lataya sa Diyos.

Sina Bossing, Maine, Alden, Coco at marami pa ang naniniwala sa miracle of prayers, naniniwala sa grasya na ibinibigay ni God.

No matter how popular, how big a star you are, you can never be bigger than our God. Masaya na isipin na good example ang mga stars na ito na nani­niwala, nagdarasal at humihingi ng tawad sa Diyos kaya dapat na maging matatag ang ating paniniwala sa Kanya dahil Thy Will Be Done.

COCO MARTIN

ICHU MACEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with