Therese kumpirmadong kapamilya ni Jose Rizal
May dugong bayani pala si Therese Malvar, gumaganap na Ariela sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw na Bituin. Related siya sa National Hero natin na si Jose Rizal at hindi ito fake news.
Kasama ang pangalan ni Therese sa genealogy ng librong Lolo Jose: An Intimate and Illustrated Portrait of Jose Rizal na sinulat ng pamangkin ni Jose Rizal na si Asuncion Lopez Bantug.
In all fairness kay Therese, hindi galing sa kanya ang balitang ito, ang GMA Artist Center ang nagbalita. Maraming beses na namin siyang na-interview at kahit minsan, hindi siya naringgan na sabihing related siya kay Jose Rizal.
Samantala, enjoy si Therese sa pagbabasa ng hate comments noong masama pa ang karakter niyang si Ariela sa Inagaw na Bituin. Pasalamat pa siya na napansin ang acting niya na talaga namang kinabuwisitan sa pagiging brat, suplada at maldita. Pero sa episode na napapanood ngayon, bumait na si Ariela at kinatutuwaan ng viewers ang tapang niyang suwayin ang ina para sa katotohanan.
Jasmine at Miles nanggulat sa How To Flirt…
Natatawa kami sa nababasang comments tungkol sa horror movie na Maledicto na showing sa May 1. Nagagandahan ang netizens sa teaser na napapanood online, pero ayaw nilang manood dahil nakakatakot.
May video na pinost ang production nina Jasmine Curtis-Smith na gumaganap sa role ni Sister Barbie at Miles Ocampo sa role ni Agnes, ang na-posses sa movie. Tinawag na How To Flirt Like A Dalagang Filipina na sa simula ay aakalaing nakakatawa. May panggulat sa huli na sa takot ng manonood, baka mapasigaw sila.
Anyway, nagmu-mall show na ang cast para ipaalam na showing na sa May 1, ang pelikula ni director Mark Meily. Sa mall show sa Ayala Malls Cloverleaf, sina Tom Rodriguez at Inah de Belen lang ang dumating. Wala si Miles Ocampo at wala rin si Jasmine na sa nakita namin sa Instagram (IG), nagbabakasyon sa Korea kasama ang BF na si Jeff Ortega.
Anne BABANDERA sa NETFLIX
Ang announcement ng Viva Artists Agency na mapapanood na sa Netflix ang Viva Films movie na Aurora ni Anne Curtis na isa sa 2018 MMFF entry. “@netflix AURORA arriving on your shores on April 25.”
Na-report din sa Variety ang Netflix Buys Philippines Horror Film Aurora at naka-post sa Instagram (IG) ni director Yam Laranas, kaya ang daming nag-congratulate sa kanya.
Nabasa namin ang “Yahoo” na reaction ni Anne sa balitang ipalalabas sa Netflix ang nabanggit na pelikula na ang description ng Netflix ay “A fatal shipwreck spurs an islander innkeeper and her sister to recover the missing victims bodies—until the dead come seeking shelter themselves.”
Alden super close na sa Kapamilya stars
Mababawasan ang “miss factor” ng fans ni Alden Richards sa kanya dahil palabas this Monday sa time slot ng Eat Bulaga ang Holy Monday Lenten Special ng noontime show na Bulawan. Maliban kay Alden, kasama sa cast ng Lenten Special sina Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Wally Bayola, Baste at Joey de Leon.
Sa Black Saturday, April 20, 7pm. palabas naman ang The Journey ng APT Entertainment sa direction ni Mike Tuviera. Maganda ang teaser ng action-drama na pinagbibidahan ni Alden. Guests sina Ricky Davao, Nonie Buencamino, Max Collins, Kristoffer Martin, Rodjun Cruz, Vaness del Moral, Jennica Garcia, at Irma Adlawan.
Speaking of Alden, care of nina Joross Gamboa, Jeff Tam, Lovely Abella at Kakai Bautista ang updates sa mga kaganapan sa shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong. Sa IG story nina Joross at Jeffrey, pumunta sila sa Mongkok with Alden para mag-shopping.
- Latest