^

PSN Showbiz

Ryan at Juday magbubukas ng kainan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ryan at Juday magbubukas ng kainan
Juday

Aligaga ngayon ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa kanilang bubuksang restaurant sa Makati na tinawag nilang Toyo Eatery.

Kasabay ng 40th birthday celebration ni Ryan kamakalawa lang, nagpa-food tasting siya sa Toyo Eatery nila ni Judy Ann para matikman na raw ng pamilya at close friends ang mga ihahanda nila sa naturang restaurant.

Mas type raw ni Ryan ang ganun lang na celebration sa kanyang birthday. Hindi na raw kasi bagay sa edad niya ang mga pa-birthday surprise.

At mabuti na ring nakapagpa-sample na raw sila kung ano ang masarap na io-order sa kanilang eatery.

Ito naman talaga ang type ni Judy Ann noon pa. Naka-dalawang restaurant na nga siya pero pawang mga nagsara, at ngayon ay bale sila na ni Ryan ang magkasama sa bagong food business na ito.

Tatapusin lang daw muna nila ang kanilang 10th anniversary celebration at saka nila i-sche­dule ang grand opening nito.

Gusto raw ng mag-asawa na personal nilang asikasuhin ang business nilang ito. Kaya nabanggit noon ni Judy Ann na mamimili na lang daw siya talaga ng magandang project na tatanggapin niya.

Hindi pa namin alam kung kailan talaga magsisimula ang Starla niya kaya may sapat na panahon siya sa bago nilang negosyo.

Si Ryan naman ay bukod daw sa Eat Bulaga niya ay baka gagawa raw ito ng isang horror movie na ididirek ni Topel Lee.

Pero sa ngayon ay from Eat Bulaga to Toyo Eatery na muna si Ryan.

Last Fool... at Stranded matamlay ang kapalaran

Nakakalungkot at ganun pa rin ang takbo ng mga pelikula natin sa takilya.

May katamlayan pa rin ang dalawang local film natin na nagbukas nung nakaraang Miyerkules.

Ayon sa aming source, naka-P1.8M daw ang The Last Fool Show nina JM de Guzman at Arci Muñoz. Ang Stranded naman ay halos P400 thousand lamang.

Medyo na-sad kami para kay Jessy Mendiola dahil marami naman ang nagdarasal na makabawi rito ang Kapamilya actress.

Pero hindi naman gaanong nag-i-expect nang husto sina Mother Lily Monteverde, pero siyempre umaasa naman ang lahat na makabawi ito sa weekend.

Maganda naman ang feedback ng pelikula, kaya puwede pa talagang makabawi ngayong weekend.

Dito na papasok ang pa-block screening na kung saan nangako si Luis Manzano na kahit nasa Japan sila ni Jessy ay mag-sponsor siya ng block screening para sa mga kaibigan nila.

Marami pang naka-line up na mga pelikula nating magbubukas pagkatapos ng Holy week, pero wala pa ring katiyakan ‘yan dahil ramdam na ang paghihintay ng mga manonood sa Avengers Endgame.

Jasmine naghihintay pa sa bagong challenge!

Parang nahihiya pa si Jasmine Curtis-Smith na sagutin ang mga papu­ring natatanggap niya sa magaling niyang performance sa Sahaya.

Sa pilot week lang si Jasmine, pero marami ang pumuri sa performance niyang iyun.

Kahit nga ang ate niyang si Anne Curtis ay nag-post sa kanyang Twitter account na tila nanawagan sa GMA-7 na dapat ay bigyan siya ng magandang material ng isang drama series dahil magaling nga naman ang kanyang kapatid.

Sinasabi naman ni Jasmine na sa lahat na ginagawa niya ay 100 percent daw talaga ang binibigay niya.

Hindi lang daw siya naka-focus sa performance niya kung hindi pati sa co-stars at ang execution sa eksenang ginagawa.

Kaya nga puring-puri rin ni Glaiza de Castro si Jasmine na kasama niya sa isang indie film na Midnight.

Sabi naman ni Jasmine, gusto niya talagangmakagawa ng soap na kakaiba at iyung matsa-challenge siya sa role.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin sa GMA-7, dahil mag-uusap pa lang daw sila.

“I don’t want to assume, you know. Wala pa po tayong alam,” nakangiting pahayag ni Jasmine nang tinanong namin kung ano ang plano ng GMA-7 pagkatapos mag-tweet si Anne na tila nanawagan pa sa Kapuso network na dapat bigyan ng magandang project ang kanyang kapatid.

Sa ngayon ay abala lang daw muna si Jasmine sa ibang pelikulang ginagawa niya, gaya nitong Maledicto ng Fox Philippines, Cignal at Unitel na magsu-showing sa May 1.

vuukle comment

RYAN AGONCILLO AND JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with