Unang Hirit, may Holy Week Special sa Vatican at Italy
MANILA, Philippines — Matapos ang landmark Lenten coverage ng Unang Hirit sa Holy Land noong nakaraang taon, tutungo naman ang leading at longest running morning show sa bansa sa Vatican at Italy.
Isasama ni UH host Susan Enriquez ang Kapuso viewers sa isang espiritwal na paglalakbay live mula sa iba’t ibang holy sites sa Rome, Vatican City at sa iba pang sikat na Italian landmarks.
Isa sa mga dapat abangan sa special coverage na ito ay ang pagbisita ng UH sa headquarters ng Roman Catholic Church. Ipakikita rin ng programa ang ilan sa mga tradisyon tuwing Kuwaresma mula mismo sa Vatican City, tulad ng live Palm Sunday celebration at ang Visita Iglesia sa Rome.
Alamin din ang kuwento sa likod ng pader ng mga sinaunang istraktura dito tulad ng Colosseum at ng Pantheon.
Tampok din ang iba’t ibang lutuin sa Italy na kilala sa kanyang masasarap na pagkain.
Huwag palampasin ang Holy Week Special ng Unang Hirit simula ngayon hanggang April 17 (Holy Wednesday). Abangan din sa 24 Oras ang ilan sa mga piling ulat ukol sa special na ito.
- Latest