Cheska at Doug naghihintay sa resulta ng IVF para sa pang-apat na anak
Sa darating na October 9, 2019 ay mag-i-eleven years nang mag-asawa ang PBA (Philippine Basketball Association) cager and celebrity endorser na si Doug Kramer at ang wife nitong actress-celebrity endorser na si Cheska Garcia-Kramer.
Sa loob ng halos 11 taon ay biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Kendra-9, Scarlett-7 at Gavin-6. Pero pagkatapos isilang ang bunsong si Gavin ay nagpa-ligate na si Cheska at mahaba ang proseso kapag gusto pa ulit nitong magbuntis.
Although ipinagbuntis at isinilang ni Cheska ang tatlo nilang anak ni Doug sa normal na pamamaraan, sa kanilang ika-apat na attempt ay sumailalim na ang mag-asawa ng medical procedure sa pamamagitan ng IVF or in vitro fertilization process na kanilang sinimulan nung nakaraang buwan and in the next couple of weeks ay malalaman kung positibo ang pagbubuntis muli ng nakatatandang kapatid ng actor na si Patrick Garcia.
Kahit masaya na ang mag-asawa sa kanilang tatlong anak, ang mga bata na mismo ang humiling sa kanilang parents na gusto nilang magkaroon ng baby sibling.
Samantala, malamang na nakalipat na rin ang pamilya Kramer sa bago nilang ipinatayong bahay kung saan meron itong infinity pool, movie theater room, playground, tree house at garden.
Tulad ng pamilya ni Aga Muhlach at ng pamilya Legaspi (Zoren Legaspi and Carmina Villarroel with their twins), ang pamilya Kramer ay kilala rin as family celebrity endorsers.
Pamilya Atayde di nababakante sa trabaho
Dahil sa sunud-sunod na blessings na patuloy na dumarating sa mag-iinang Sylvia Sanchez, Arjo at Ria Atayde, nag-host sila ng isang ‘thanksgiving lunch’ with the entertainment media last Tuesday.
Kamakailan lamang ay muling lumagda ng kanyang kontrata with Beautederm as signature model and celebrity endorser si Sylvia na sinundan ng kanyang panalo bilang Best Actress sa katatapos pa lamang na Sinag Maynila Film Festival awards dahil sa kanyang mahusay na pagkakaganap sa pelikulang Jesusa mula sa panulat at direksiyon ni Ronald Carballo.
May bago rin siyang pelikulang gagawin, ang OFW (The Movie) kung saan ang mga eksena niya ay kukunan sa Dubai plus a new TV series, ang Project Kapalaran kung saan tampok na mga bituin sina JM de Guzman at Arci Muñoz.
Si Arjo naman ay sunud-sunod din ang projects. Nariyan ang tumatakbong The General’s Daughter, ang digital series na Bagman and a new movie, ang Stranded opposite Jessy Mendiola plus other upcoming projects.
Si Ria naman ay napapanood sa malapit nang magtapos na hit primetime TV series na Halik at meron na rin itong kasunod na proyekto.
Dumating din sa nasabing thanksgiving lunch ang mister ni Sylvia at ama nina Arjo at Ria, ang negosyanteng si Art Atayde na very supportive sa kanyang mag-iina.
ER napahamak sa insurance!
Humarap sa media ang Laguna governatorial candidate na si ER Ejercito kasama ang kanyang abogadong si Atty. Larry Gadon para ipaalam sa lahat na hindi umano siya disqualified na tumakbo sa pagka-gobernador ng Laguna tulad umano ng ipinamamalita ng kanyang katunggali sa pulitika. Naka-apela ang kaso sa Supreme Court na siyang magbibigay ng kanilang final judgment.
Si dating Laguna governor ay personal na ini-endorse ni Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong mayor ng Davao na si Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Ang dating Mayor ng Pagsanjan, Laguna at dating Laguna governor ay nasentensyahan ng anim hanggang walong taong pagkakulong ng Sandiganbayan 4th Division dahil sa violation of Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act nung ito’y mayor pa ng Pagsanjan, Laguna na may kinalaman sa Accident Protection Assistance Program para sa mga turista at boatmen ng Pagsanjan na kinikilalang Tourist Capital of Laguna.
- Latest