Mga pelikula ni ER Ejercito nabili raw ng $1-million ng Netflix!
SEEN: Confident si former Laguna Governor ER Ejercito na mananalo siya sa gubernatorial race sa May 13, 2019 dahil suportado siya ni President Rodrigo Duterte. Matitindi ang mga salita na pinakawalan ni ER laban kay Ramil Hernandez, ang dating bise-gobernador niya na pumalit sa kanyang puwesto nang pababain siya ng COMELEC noong 2014 dahil sa campaign overspending. Sinabi ni Ejercito na kahit busy siya sa public service, patuloy ang suporta niya sa local movie industry sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga pelikula. Ang SAF 44 ang upcoming movie niya.
SCENE: Tungkol sa pagpaslang sa 44 members ng Special Action Force sa Mamasapano, Mindanao ang kuwento ng SAF 44 movie. Nanindigan si Ejercito na ipapakita sa pelikula ang mga tunay na nangyari noong January 25, 2015 at ang malaking pananagutan ni former President Noynoy Aquino sa naganap na trahedya.
SEEN: Ipinagmalaki ni ER Ejercito na naibenta niya sa Netflix ang kanyang mga pelikula na pinrodyus at nagkakahalaga ng isang milyong dolyar (US$ 1 million) ang bawat isa.
SCENE: Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Stranded ng Regal Entertainment Inc., Last Fool Show ng Star Cinema at ng American movie na Hellboy. Isang movie producer ang nagtataka dahil sa sudden decision ng Star Cinema na ipalabas ang Last Fool Show at tapatan nito ang Stranded.
SEEN: Nagpaunlak si Luis Manzano na magpainterbyu sa entertainment press nang matapos noong Lunes ng gabi ang red carpet premiere ng Stranded, ang romantic drama movie ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola. Ang Stranded ang isa sa mga matino na pelikula na ginawa ni Jessy.
SCENE: Hindi lamang magaling na kontrabida si Arjo Atayde dahil mahusay rin siya na bida, base sa performance na ipinakita niya sa Stranded, ang kanyang biggest break sa pelikula kaya malaki ang dapat na ipagpasalamat ng aktor sa mga producer ng Regal Entertainment Inc.
SEEN: Nagsimula na ang shooting ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong. Lead stars ng Hello, Love, Goodbye sina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Si Cathy Garcia Molina ang direktor ng pelikula.
- Latest