^

PSN Showbiz

Lani pinagdusa ang mga ‘nagnakaw’ kay Bong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lani pinagdusa  ang mga ‘nagnakaw’ kay Bong
Lani

Birthday girl si Lani Mercado Revilla sa April 13. Si Lani na hinahangaan ko not as an actress or politician, but more as a woman, mother and wife.

Ang galing niya bilang ina dahil lahat ng kanyang mga anak, masipag mag-aral at very close sa kanila ni Bong Revilla, Jr.

Responsibilidad ng isang mother ang magkaroon ng bonding ang pamilya, siya ang glue that bind one another dahil ginagawa ng mga ina na maging malapit sa isa’t isa ang family members.

Si Lani as a wife, I cannot ask for more dahil open book sa lahat ang kanyang mga pinag­daanan bilang Mrs. Revilla.

May mga nagsasabi na matibay ang kanyang dibdib na dapat na taglay ng isang legal wife, ang ipagtanggol ang pag-aari niya.

‘Yung iba na gustong nakawin what she owns, magdusa sila sa tabi dahil hindi nila makukuha ang titulo ni Lani bilang legal wife. Magnanakaw lang ‘yung iba.

Naipakita ni Lani kung gaano ito katibay. Kahit ano pa ang mga bagyo sa buhay na magdaan, hindi siya basta natutumba, nananatili siya na matibay para sa pamilya niya.

I salute you Lani. Happy birthday and the best for you for the rest of your life. Basta ikaw ang legal wife, I love you, I’m so proud of you.

Depression nakakatakot na sakit

Grabe naman pala ang istorya ng namatay na former TV5 anchor na si Seph Ubalde. I rea­lized now na totoo nga ang depression at ‘yung mga meron nito, dapat mag-take ng gamot at kumunsulta sa doktor.

Ang sabi nila, hindi lang dahil sa emosyon ang clinical depression kaya kailangan ng gamot na pang-maintenance.

Hindi pare-pareho ang mga tao. Ang akala ko noon, umaatake lang ang depression kapag nalulungkot tayo. Hindi pala dahil may sinisira rin sa ating isip at pangangatawan ang depression na dapat gamutin at pagtuunan ng pansin.

Pero sabi nga ni Seph, isang tao na may panahon sa kanya, kakausapin, maiintindihan at gagabayan siya ang kailangan niya.

Ipinagtapat ni Seph na masayahin ang kanyang panlabas na kaanyuan pero once na nag-iisa na siya at walang kasama, downhill na ang pakiramdam niya.

Dinala ni Seph hanggang sa paglaki ang sakit  ng physical abuse na ginawa sa kanya ng tatay niya.

All these years, nasa puso niya ang pananakit ng kanyang ama kapag nagkakamali siya.

So young, so promising si Seph kaya nakapanghihinayang na maaga siya na namatay. How sad, pero makakatulong ang video na kanyang iniwan para matulungan ang mga kagaya niya na dumaranas ng depression na dapat ginagamot.

Scary talaga ang depression dahil isa ito sa mga cause kaya may mga kabataan na winawakasan ang sariling buhay. Tulungan natin sila habang hindi pa huli ang lahat.

Hindi ligtas sa depression ang mga showbiz personality. Actually, marami sa mga artista ang biktima ng depression kaya ‘yung iba, natututo na gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

May mga artista na dumaranas ng depression dahil hindi nila matanggap na lipas na ang kasikatan nila.

May mga artista na biktima ng depression dahil sa mga kamag-anak na umabuso sa kanila, physically, mentally, emotionally and financially.

Hindi na bago ang mga kuwento tungkol sa mga artista na tinalikuran ang pamilya na umubos sa kanilang showbiz earnings kaya na-depress sila. Minabuti nila na mag-alsa balutan at mamuhay nang solo kesa tuluyan sila na takasan ng bait dahil sa magagastos at mga parasite na kamag-anak.

LANI MERCADO REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with