^

PSN Showbiz

Showbiz couple hindi na naisalba ang pagsasama, misis sumuko na sa sobrang batugang mister

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dekada nang mag-asawa lang sa salita ang isang showbiz couple pero hiwalay na sila. May kani-kanya na silang buhay. Magkalapit lang ang kanilang mga tirahan pero wala na silang pakialam.

?Pinagkasunduan nila ang paghihiwalay, kailangan na nilang gawin ang ganu’n para kahit paano’y maging magkaibigan pa rin sila, punumpuno na kasi ang female personality sa pagtitiis.

?Kuwento ng aming source, “Napakairesponsable nu’ng lalaki, wala siyang ginagawa para siya bilang padre de pamilya ang bumuhay sa mag-iina niya!

?“’Yung babae ang kayod-marino, nagpupuyat at nagpapagod si misis para lang buhayin at mapag-aral ang mga anak nila. Aalis siyang tulog pa ang mister niya, darating siya na tulog pa rin ang asawa niya, kaya mas maganda na ngang maghiwalay na sila para hindi niya nakikita mismo ang kawalan ng responsibilidad ng husband niya.

?“Pero hindi pa rin totally lumayo ang lalaki, pinili pa rin niyang sa isang place na malapit lang sa mag-iina niya ang maging bahay niya. Pati ‘yung paglayo sa girl, kinatamaran pa rin niya!

?“Sobrang tamad ang guy, mapili pa siya sa trabaho, e, wala na ngang makain ang pamilya niya kung sa kanya lang aasa?” inis na simulang kuwento ng aming impormante.

?Sinisisi ng kanyang mga kapatid ang female personality. Nagmadali kasi siya, nagdalantao siya nang wala sa panahon, nainlab siya nang todo sa male personality.

?Patuloy ng aming source, “Ang babata pa kasi nila nu’n, wala pa silang alam tungkol sa pagpapamilya, pero na-preggy ang girl. Walang choice ang family ng girl kundi ang tanggapin na lang ang guy.

?“Pinagtatakpan lang ng girl ang mga pagkukulang ng lalaki, pero hanggang kailan? Ayun, nu’ng hindi na siya makatiis, siya na ang nagtapat sa family niya na gusto na niyang humiwalay.

?“Kalalaking tao nga naman ng taong ‘yun, pero umaasa lang siya sa pinagpapaguran ng wife niya. Palagi lang siyang tulog, naglalaro ng video games, wala siyang ibang alam gawin!

?“Tama lang ang decision ng girl, hindi na niya nakikitang patulog-tulog lang ang mister niya habang nagpapakamatay siya sa pagtatrabaho.

?“Give na give siya sa katatrabaho habang give na give naman sa pagtulog ang mister niya. Dapat lang niyang iwan ang tamad niyang mister!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Sa sobrang kawalanghiyaan daw, Kuya Escort Greg Hawkins ipatatapon na ng manager

Galit na galit ang manager na si Lito de Guzman nang maging guest namin sa Cristy Ferminute nu’ng nakaraang Biyernes. Ang dahilan, ang kanyang alagang si Greg Haw­kins, ang pansamantalang naging Kuya Escort sa It’s Showtime na pinalitan ni Ion.

?Matagal nang kinikimkim lang ni Lito ang mga kakaibang ugali ni Greg, sabik ang manager na makatuklas-makapagpasikat ng alagang lalaki, dahil ang kanyang mga alaga na nagkapangalan naman ay puro babae.

?Mabait lang pala sa biglang tingin ang Amerikanong modelo. Maraming nagrereklamo sa kanyang ugali. Mainipin si Greg. Konting paghihintay lang ay hindi niya kayang palampasin, nag-iinit agad ang kanyang ulo na ang ending ay ang pagbabanta niyang mag-walkout.

?Pinagtiisan ng manager ang lahat ng mga sumbong, baka nga naman magbago pa ang ugali ng Amerikanong gustong sumikat, pero dumating ang puntong humulagpos na ang mahabang pisi ng pasensiya ni Lito de Guzman.

?“May dapat siyang puntahan nu’ng minsan, pero ang sabi niya, a, nakakuha na raw siya ng ticket papunta sa Palawan. Magbabakasyon daw sila ng girlfriend niya.

?“Pero hindi pala totoo ‘yun! May show pala sila sa Mindanao, sila ng girlfriend niya, du’n na talaga ako bumigay! Tumatanggap na siya ng commitment nang hindi dumadaan sa akin!

?“Kinausap ko si Boss Vic del Rosario, may contract kasi si Greg sa Viva, ako ang co-manager niya. Aba, nag-post pa siya, hindi na raw ako ang ma­nager niya, sa Viva na raw kailangang makipag-usap ang sinumang kukuha ng services niya! Talent scout lang daw kasi ako!

?“Walanghiya si Greg Hawkins, walang utang na loob! Mukha siyang pera dahil maigsing greetings lang mula sa mga fans o kaibigan namin, kailangan daw siyang bayaran!

?“Mainitin ang ulo niya, hindi siya marunong maghintay! Palagi siyang nakasimangot! Marami siyang reklamo sa buhay! Nasa Pilipinas siya, mag-adjust siya!

?“Alangan namang tayo pang mga Pilipino ang maging se­cond class citizen sa bansa natin dahil lang sa walanghiyang Amerikanong ‘yun!

?“Ipade-deport ko siya! Kailangan niyang bumalik sa bansa niya, du’n niya gawin ang gusto niya at hindi dito sa Pilipinas! Ipade-deport ko talaga siya!” napakadiing emosyon ni Lito de Guzman.

GREG HAWKINS

LITO DE GUZMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with