Chiena, tinangging bayarang babae
Kamakailan ay nagkaroon ng iringan sa pagitan nina Chienna Filomeno, Dawn Chang at isa pang kasamahan sa grupong GirlTrends na si Erin Ocampo. “Hindi lang siya (Dawn), confrontation talaga. Kasi kailangan mo talagang i-confront ‘yung taong namba-backstab sa ‘yo,” pagtatapat ni Chienna.
Nangyari daw ang kumprontasyon nang makabalik ang dalaga sa It’s Showtime. Madalas kasing wala ang aktres sa noontime show dahil na rin sa ilang trabaho. “Naawa ‘yung ibang Girltrends at sinabi sa akin ‘yung mga hearsay nila. Lahat ng pinagsasabi nila sa akin behind my back, Ate Dawn and ‘yung isa, Erin. So kinon-front ko sila,” kuwento ng aktres.
Sa ngayon ay naayos na ang gusot sa pagitan nina Chienna at Dawn. “Siguro naging understanding na lang ako. Yes, we’re okay,” giit niya.
Wala na si Erin ngayon sa GirlTrends kaya lumipas na rin ang gulo sa pagitan nila ni Chienna. “Hindi na, pinass na lang namin,” dagdag pa ng aktres.
Samantala, may bulung-bulungan na pinagkakakitaan umano ni Chienna ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan. “Countless times ko na naririnig ‘yan. People will believe what they want to believe. Kahit sabihin ko na hindi, hindi pa rin sila maniniwala kung gusto nila paniwalaan na isa akong bayarang babae. Pero it’s a lie,” paglilinaw ni Chienna.
Kahit maganda ang katawan ay aminado naman ang aktres na nagparetoke siya ng ilong. “There’s nothing wrong in enhancing something that you have. It’s a choice. It’s your own choice as long as wala kang natatapakang tao. Go with it,” pagtatapos ng dalaga.
Joem, nag-emmersion sa sementeryo
Kalahok ang pelikulang Pailalim ni Joem Bascon sa Sinag Maynila Film Festival na mapapanood sa mga piling sinehan hanggang April 9.
Ayon sa aktor ay talagang nahirapan siya sa kanyang karakter bilang isang amang naninirahan sa sementeryo kasama ang buong pamilya. “Istorya siya ng mga kapwa nating Pilipino na mga nakatira sa loob ng sementeryo. Challenge sa akin ‘yung buong film. Kasi it’s my first time na makatrabaho si Direk Daniel Palacio na mini-mentor ni Direk Brillante Mendoza. First time kong i-incorporate ko sa sarili ‘yung ginagamit nilang method of acting. Wala kaming script, nagpi-prepare lang talaga kami for the role. Tapos ini-immerse lang kami nila sa mga tao sa loob ng sementeryo,” nakangiting kuwento ni Joem.
May mga bagay daw na natutunan ang aktor dahil sa kanyang mga nasaksihang mga kababayang nakatira sa sementeryo. “Parang tayong mga Pilipino kahit saan tayo ilagay, nagiging bahay. Nagiging home natin. Nakapagtayo sila do’n ng bahay, may natitirahan sila, ‘yung iba may rice cooker pa,” paglalahad ng aktor.
Sa ngayon ay abala na rin si Joem sa taping ng teleseryeng Starla na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Raymart Santiago. Bukod sa serye ay isang bagong pelikula rin ang nakatakdang gawin ng binata. “Soon mapapanood na nila ‘yon. Then I’m doing another project with direk Brillante Mendoza, madami akong kasamang artista. Basta, it’s a big film,” pagbabahagi niya. (Reports from JAMES C. CANTOS)
- Latest