Jodi at Bela pinagsama sa thriller!
SEEN: Cast member si Migo Adecer ng Sahaya pero hindi pa siya nag-uumpisa ng taping para sa primetime television series ng GMA 7. Nasangkot si Migo sa hit-and-run incident sa Makati City noong Martes ng gabi kaya marami na ang nag-aabang sa mga eksena niya.
SCENE: Nag-trending noong Biyernes ang unang gabi ng iFlix streaming sa Mystified, ang pinakahihintay na reunion project ng Encantadia original Sang’gres na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri.
SEEN: Idol at puring-puri ni San Jose del Monte Bulacan House Representative Rida Robles ang kapwa niya kongresista, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto. Naranasan ni House Representative Robles na maging artista noong dekada ’90. Ang 1990 movie ng Regal Films na Tora Tora Bang Bang na pinagbidahan noon nina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez at Carmina Villarroel ang isa sa apat na pelikula na ginawa niya. Hindi nagtagal ang showbiz career ni Robles dahil hinigpitan ito ng mga madre sa school na pinapasukan at tanggap niya na marami ang mas magaganda kesa sa kanya.
SCENE: In the Name of the Mother ang working title ng bagong movie project ng Heavens Best Entertainment Productions ni Harlene Bautista. Kahapon ang story conference ng pelikula na tinatampukan nina Snooky Serna, Diana Zubiri, Emilio Garcia, Pancho Magno, Perla Bautista, Jim Pebanco at Miggs Cuaderno na ididirek ni Joel Lamangan.
SEEN : Sina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla ang mga bida sa Sino ang May Sala?: Mea Culpa, ang upcoming drama mystery thriller television series ng ABS-CBN. Si Dan Villegas ang direktor at cast members din sina Tony Labrusca, Kit Thompson, Agot Isidro, Ayen Laurel at Jay Manalo.
SCENE : Kandidato na board member ng 4th district ng Bulacan si Sta. Maria, Bulacan Councilor Froilan Capili Caguiat. Hindi nakakalimutan ni Caguiat na banggitin sa kanyang mga campaign speech na pinsan siya ni Maine Capili Mendoza.
- Latest