^

PSN Showbiz

Carlo Aquino nagpakilig sa opening ng Beautederm!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Carlo Aquino nagpakilig  sa opening ng Beautederm!
Carlo, Rhea at Ryle

Sinalubong ng bonggang-bongga ng Beautederm Corporation ang summer season sa pagbubukas nila ng bagong stores sa Metro Manila at Pangasinan.

Sinimulan ang Beautederm noong 2009 ng President at CEO nito na si Rhea Anicoche-Tan. Kinakatawan nito ang prinsipyo ni Ms. Rhea na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga natin sa ating mga sarili, at dahil dito mas magiging malusog ang isang tao at makakapagpamalas ng kagandahan hindi lamang sa panlabas na kaanyuan ngunit sa kabuuan ng kanyang pagkatao na rin.

Bilang isa sa mga pangunahing lider sa beauty and wellness industry ngayon, mahalaga para sa Beautederm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito kaya’t gumagamit sila ng mga plant-based na sangkap upang makapagbigay ng pinaka-mabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta.

 Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautederm ay ang Beautederm Skin Set; Reverie by Beautederm Home at Beautederm Origin Senses perfumes for men among many others. Sa ngayon, may mahigit sa 40 physical stores ang Beautederm sa iba’t  ibang panig ng bansa at mahigit sa isang daang resellers di lamang dito kundi maging sa ibang bansa na rin.

Ang unang store na binuksan ng Beautederm ngayong Marso ay ang Beautefy by Beautederm na matatagpuan sa ikalawang lapag ng Ro­binsons Metro East Mall sa Pasig City. Para ipagdiwang ang grand opening nito ay nagpa-mini concert sila kung saan tampok ang ilan sa mga top celebrity endorsers nito. Hosts sa event ang Kapuso character actress na si Shyr Valdez at ang ABS-CBN writer at social media influencer na si Darla Sauler. Nagbigay din ng performances ang singer na si Alynna Velasquez, ang mga actor-politicians na sina Jestoni Alarcon at Alex Castro, Sherilyn Reyes, ang showbiz power couple na sina Ton Ton Guttierez at Glydel Mercado, ang kilig ambassador na si Hashtag Ryle ng It’s Showtime, ang komed­yanteng si Boobay, at si Carlo Aquino na kinakiligan ng lahat.

Ang ikalawang store naman ay ang BeauteBlends by Beautederm at matatagpuan ito sa ground floor ng Nepo Mall sa Dagupan City. Ang Beau­tederm Brand Ambassadors na sina Boobay, Pauline Mendoza, Ton Ton, Glydel, Jestoni, at Carlo Aquino ang nagpasiklab sa mga taga-Dagupan sa pamamagitan ng kanilang mga amazing performance.

“Nagpapasalamat ako sa outpour of blessings dahil minamarkahan ng 2019 ang ika-10 taon ng Beautederm sa industriya,” sabi ni Ms. Rhea Tan na maraming kaibigang taga-showbiz.     

BEAUTEDERM CORPORATION

CARLO AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with