Keempee nakaligtas sa tapatan!
Isa ring masuwerte si Keempee de Leon. Mukhang maganda yung role niya sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit na mabuti na lamang at pre-program ng It’s Showtime kaya hindi katapat ng Eat Bulaga kung saan siya at kung saan ay naroon pa ang kanyang ama na si Joey de Leon.
Magaling din namang artista si Keempee. Hindi ito mahirap hanapan ng project. Bukod sa nakakaarte sa kahit anong genre ng palabas ay versatile pa rin ito at puwede rin sa musical kung kinakailangan. Nakapagtataka nga kung bakit ito pinakawalan ng Eat Bulaga at maging ng GMA-7.
Nadine tanggap ng fans kahit wala si James
Ang suwerte ni Nadine Lustre at nakaka-two weeks na ang pelikula niyang Ulan sa mga sinehan. After this ang Indak naman ang pagkakaabalahan niya.
Second movie niya ito na ‘di pa rin kapareha si James Reid.
Iba talaga ang mga may maraming supporters na tulad ng JaDine dahil tinatangkilik nila ang projects ng mga idolo nila kahit ‘di sila ang magka-tambal.
Ganito rin sana ang gawin nilang pagsuporta sa Indak na si Sam Concepcion ang leading man ni Nadine.
Jasmine mas madaling hanapan ng role kesa kay Anne
Tila nauungusan na si Anne Curtis ng younger sister niyang si Jasmine Curtis Smith. Napakaganda ng role na ginagampanan nito sa bagong serye ng Kapuso Network na nagtatampok sa BiGuel loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na Sahaya.
Bagaman at tila maikli din ang kanyang role, markado naman. Sa kanya naman magsisimula ang kuwento ni Sahaya, ang babaeng Badjao na nagawang umangat sa kanyang lahi.
Malaki ang lamang ni Anne sa pag-aartista kesa sa kanyang kapatid pero, nakakailang acting awards na ito. At hindi lang sa awards nagkakalayo ang magkapatid kung hindi maging sa looks. Sinasabing mas madaling hanapan ng role si Jasmine dahil mas Pinoy ang hitsura nito kumpara sa pagka-mestisa ni Anne.
- Latest