Fans kanya-kanyang taste...
Watch ko na ang King Two Hearts ni Lee Sung-gi at honestly, nagustuhan ko ang teleserye. Na-realize ko rin na maganda ang eyes at lips ni Lee Sung- gi pero talagang hindi cute ang ilong niya.
Puwede ko nang sabihan ngayon ang mga laging nagko-comment na nagpapaayos ng mukha ang mga Korean actor dahil kung totoo ito, inayos na sana ang ilong ni Lee Sung-gi ‘di ba?
Ang pagkakaiba ni Lee Sung-gi kay Lee Jun-ho, kahit pareho na hindi maganda ang mga ilong nila, bumagay sa face ni Jun-ho ang ilong nito.
Pero totoo nga na mahusay umarte si Lee Sung-gi dahil maganda nga ang kanyang facial expression, maganda rin ang delivery niya ng dialogue, maganda ang tindig at maganda na magdala ng damit.
Hindi nga lang siya moviestar pogi na tulad nina Jo Insung at Nam Jo-Hyuk pero malakas ang kanyang presence.
Mas guwapo kesa kay Lee Sung-gi ang support nito pero hindi siya natatabunan. Type ko ang King Two Hearts dahil binanggit sina Jo Insung, Rain at Hyu Bin sa mga billboard na nadaanan ng bidang babae.
Saka hindi masyadong beautiful ang girl kaya okey sila ni Lee Sung-gi. Hayaan na natin kina Rose Garcia at Vinia Vivar ang paghanga kay Lee Sung-gi pero understand ko now kung bakit type nila ang Korean actor.
Kanya-kanya talaga ng taste kapag fan mode ka. Iba-iba ang qualities na nakikita natin sa kanila kaya may fans na type si Alden Richards, may mga tagahanga na si Arjo Atayde ang gusto. At least, everybody happy.
Walang mahirap basta may sikap!
Tuwang-tuwa ako sa balita na napanood ko tungkol sa college graduation ng anak ng barangay tanod at ng biyuda na nagtitinda sa bangketa.
Nakakatuwa dahil isang proof ito na basta nangarap ka at nagsipag, makakamtan mo ang pangarap mo.
Kagaya rin sila ni Manong na araw-araw na nagrarasyon sa akin ng mga diyaryo.
Tatlo ang anak ni Manong Dyaryo at dalawa ang graduate ng college na pareho nang nagtatrabaho kaya huminto na siya sa pagtitinda ng mga diyaryo.
Nakakatuwa na nakapagpatapos sila ng college ng kanyang asawa na tumatanggap naman ng mga labada. Hindi ba nakakatuwa at maipagmamalaki mo ang achievement na ‘yon ?
Teary-eyed ako nang magpaalam si Manong Dyaryo sa akin na hindi na ito makakapag-deliver ng diyaryo dahil nga pinahinto na siya ng mga anak niya.
Sigurado na napakasarap ng feeling niya habang sinasabi ng kanyang mga anak ang mga salitang ‘yon kaya totoo talaga ang kasabihan na walang mahirap kung nagsisikap.
At ang sarap din ng pakiramdam na gusto ng mga bata na makatapos ng pag-aaral para maabot nila ang kanilang mga pangarap.
Sure ako na maraming hirap ang kanilang pinagdaanan, sure ako na hindi nabigay ni Manong Dyaryo ang lahat ng needs sa school ng kanyang mga anak, ang dusa ng mga bata sa pagpasok bilang malayo ang bahay nila pero lahat ‘yon, nalagpasan dahil meron silang goal.
Kung nagawa ng isang nagtitinda ng diyaryo at ng isang labandera na mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak, bakit hindi magagawa ng iba?
Bakit hindi sila puwedeng umahon sa hirap? Walang mahirap basta may sikap. True!
- Latest