^

PSN Showbiz

Female personality na dating suki ng mga branded store, paubos na ang datung ng karelasyon na dating may posisyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Gaano katotoo na hindi na ganu’n kabongga ngayon ang lifestyle ng isang kilalang female personality? Napakalaki ng pagbabago, hindi na siya nakikitang nagsa-shopping galore palagi, mukhang kapos na sa bala ang aktres dahil wala na ring naibibigay sa kanya ang karelasyon niyang kilalang pigura sa lipunan.

Biglang nagbago ang buhay ng female personality nang maging karelasyon na niya ang mayamang public figure sa kanyang sariling linya, talagang lahat ng magustuhan niya ay nasusunod, bonggang-bongga ang kanyang lifestyle.

Kuwento ng aming source, “Naku, kilalang-kilala siya sa mga branded shops. Kasi nga, kapag may mga new arrivals, kailangang itawag agad sa kanya ‘yun para siya ang unang-unang mamimili ng mga panggranatsa niyang stuff!

“Marami siyang binibili, terno-terno ang bag, shoes at wallet niya! Kailangang kumpleto ang packaging, hindi puwedeng isa o dalawa lang ang bilhin niyang branded na kagamitan!

“Pero ngayon, e, nagtataka ang mga contact niya sa mga branded shops, hindi na siya sumasagot sa tawag at text. Marami kasing bagong items, marami siyang pamimilian, pero mukhang wala na siyang pambili!

“Ang kuwento kasi, e, wala na ring maibigay na kadatungan sa kanya ang karelasyon niyang dating chuchu sa isang city.

“Saan nga naman siya kukuha ng pambili kung wala nang laman ang kanyang kaban? Kaya kahit pa tawag nang tawag ang mga dati niyang pinagbibilinang sales ladies kapag may mga bagong stocks na dumarating, e, wah na siya sa pagka-reply!

“Wala nang datung si papa, wala rin naman siyang ginagawang mga projects sa pelikula at TV, kaya puro lunok na lang siya ngayon sa mga bagong labas na mamahaling kagamitan!

“Alangan namang umasa siya sa kinikita ng anak niya, di ba? May sariling buhay na ang anak niya, saka hindi obligasyon nu’ng anak niya na sundin ang mga luho niya sa buhay, kaya magtiis siya!

“’Yan ang mahirap kapag umaasa ka lang sa ibinibigay ng lalaki at hindi ka na nagtatrabaho. Wala kang sariling datung, wala kang mapagkukunan, alangan namang mangutang pa siya sa sister niyang yayamanin para lang mapagbigyan niya ang luho ng kanyang katawan?” pagbibigay pa ng clue ng ­aming source.

Ubos!

Anak ni Marjorie, may amnesia?!

Iniyakan pala ni Mommy Hershey, ina ni Kier Legaspi, ang matatalim na salitang binitiwan ng kanyang apong si Dani laban sa kanyang ama.

Ayon kay Dani ay si Marjorie lang ang maghahatid sa kanya sa altar dahil ang kanyang mommy lang naman ang nakasama niya sa kanyang paglaki.

Hindi raw naman niya nakikita si Kier, pinabayaan lang siya, hindi na nga raw matandaan ni Dani kung kailan sila huling nagkita ng kanyang ama.

Kuwento ng aming source, “Umiyak ang mommy ni Kier, kasi nga, tuwing mag-aaway pala si Dani at si Marjorie, e, du’n siya tumitira sa bahay ng father niya.

“Two months siyang nandu’n, inaasikaso siyang mabuti, lalo na ng lola niya. Kaya takang-taka sila kung ano ang sinasabi ni Dani na six years ago na nu’ng huli silang magkita ni Kier.

“Saka bakit kaya hindi tanungin ni Dani ang mommy niya kung bakit hindi siya malayang nakikita ang father niya? Para malaman niya ang totoo, para hindi niya pinagsasalitaan ng ganyan ang father niya!” komento ng aming source.

Tahimik lang si Kier, sinagot man nito ang mga rebelasyon ng kanyang anak ay sa marespetong paraan ‘yun, hindi nito sinumbatan si Dani.

“Napakabilis namang makalimot ni Dani! Napakabata pa niya para magkaroon siya ng amnesia! Kapag may problema sila ng mommy niya, e, kanino ba siya nagpupunta?

“Sino ba ang kumukupkop sa kanya? Ibang tao ba? Sana naman, e, magdahan-dahan siya sa pagsasalita. Tuloy, ang daming namba-bash sa kanya.

“Hindi na nga raw siya kagandahan na tulad ng mga half sisters niya, e, ganyan pa ang ugali niya. Teka, tumatanaw ba siya ng utang na loob sa mga tita niya?

“Alam kaya ni Dani na halos sina Gretchen at Claudine na ang nagpalaki at nagkagastos sa pag-aaral niya? Magtigil nga ang babaeng ‘yan!” inis na pagtatapos ng aming kausap.…

MARJORIE BARRETO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with