^

PSN Showbiz

Bahay ng singer-actress tinaniman ng malalaking puno para ‘di masilip ng kapitbahay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Over na ang kayabangan at kawalang utang na loob

Piling-pili lang ang mga personalidad na marunong tumanaw ng utang na loob. At kakaunti lang din ang marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan at hindi pinagbabago ng popularidad, karangyaan at pag-angat ng kabuhayan.

Sa anggulong ‘yun nabubutasan ng kanyang mga kababayan ang isang female personality na nasubaybayan ng kanyang mga kakomunidad ang dating estado sa buhay.

Kuwento ng aming source, “Nag-umpisa ‘yun nu’ng kukunin sanang performer sa kanilang town fiesta ang singer-actress. Nu’ng makausap nila ang manager ng kababayan nila, e, napakalaki ng talent fee na hinihingi sa kanila.

“Parang presyong ayaw ang TF na ibinigay ng staff ng manager niya. Hindi talaga ‘yun kakayanin ng mga kababayan niya, dahil nag-aambag-ambag lang sila para magkaroon ng activity kapag dumarating ang fiesta nila.

“’Yun ang ikinasama ng loob ng mga kababayan nila, sana man lang daw, e, inabisuhan ng girl ang manager niya na huwag taasan ang talent fee niya, dahil tagaroon siya.

“Pero walang nangyaring ganu’n, ibang singer na lang ang inimbitahan nila, maliit lang ang talent fee at hindi sila pinahirapan sa usapan,” unang kuwento ng aming source.

May kababawan ang kuwento pero umiikot ‘yun sa kanyang mga kalugar. Nu’ng nagsisimula na raw na magkapangalan ang singer-actress ay lumayo na talaga siya at ang kanyang pamilya sa mga dati nilang kasalamuha.

Patuloy ng aming source, “Nagpatayo na siyempre siya ng magarang bahay dahil kumikita na siya. Du’n pa rin siya umuuwi, pero hindi na siya nakikita ng kahit mga kapitbahay nila.

“Ewan naman kung saan ipinanganak ang istorya na bukod sa mataas nilang gate, e, nagtanim din sila ng mga puno na tatakip sa bakod nila.

“Nakakatawa ang kuwento, pero ‘yun ang sentimyento ng mga kababayan nila, kahit daw gumamit ka pa ng hagdan, e, hindi mo na makikita ang bahay nila dahil sa malalaking puno na nakapaikot sa bakuran nila.

“At sila mismo ang pumapansin kung bakit Ingles nang Ingles ang singer-actress, tinatanong daw siya sa Tagalog, pero nagpapakasosyal siya sa pag-Iingles.

“Hindi na raw nila kilala ngayon ang singer-actress, hindi na raw siya ang dating babaeng palakad-lakad lang dati sa kanilang lugar, pinagbago na raw talaga siya ng pera at kasikatan,” malungkot na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Anniversary blind items nambulabog, Cogie magaling manghula!

Binulabog kami ng mga tawag at text kahapon nang umaga. Isa lang ang dahilan ng lahat—ang 33 blind items na ipinagawa sa amin ni Salve Asis, ang aming patnugot, bilang pagbibigay-halaga sa ikatatlumpu’t tatlong aniber­saryo ng Pilipino Star NGAYON.

Nakakaaliw dahil kahit ang kaibigan na­ming propesor na nakaugalian nang magsimba sa umaga ay nagbago ng kanyang schedule. Sasagutan daw muna nitong lahat ng mga blind items bago magsimba.

At may mga artista ring nagtawagan sa amin, tanggapin natin ang katotohanan na mahilig mang­hula ng mga pitik-bulag ang mga personalidad, lalo na kung hindi naman sila ang sangkot sa pahulaan.

Kahit ang mga basketball players na malapit sa amin ay nakikihula na rin, hindi sila mapakali kapag hindi nila matumbok kung sino ang subject na pi­na­huhulaan, ganu’n katindi ang karisma sa publiko ng mga blind items.

Nu’ng minsan ay tinanong kami ng isang magaling na direktor, “Nagugulat ako, ha? Kami-kami lang ang nakakaalam ng mga nangyayari sa location, pero tumatawid sa iyo ang kuwento!”

Kasi nga ay hindi rin ligtas ang mga artista ngayon, marami silang nakakasamang ta­lents (read: extra) sa taping at shooting, matatalas din ang kanilang tenga at pakiramdam sa mga nagaganap sa linya ng kanilang trabaho.

Pero sa lahat ng mga artistang mahilig mang­hula ng mga blind items ay walang tatalo kay Cogie Domingo. Sapul ng guwapong aktor ang halos lahat ng mga blind items namin.

Isang umaga ay tumawag sa amin si Cogie, ang kanyang sabi, “Napakahirap naman hulaan ng BI n’yo today!”  Tawa kami nang tawa, siya kasi ang bumibida sa aming blind item, pero aminado ang magaling na aktor na sa pamamagitan ng mga blind items ay marami siyang natututuhan.

“Kasi, ‘yung hindi n’yo kayang sabihin sa akin nang personal, idinadaan n’yo na lang sa blind item. Ang ganda nu’n! Natututo ako du’n!” pahayag niya.

Ang blind item, bow!

COGIE DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with