Pinoy nakakuha ng golden buzzer sa AGT!
Dalawang Pinoy talents out of eight ang nakapasok sa semifinals ng Asia’s Got Talent in Singapore at ang mga ito ay ang hand shadow performer na si Philip Galit at ang 12-year-old rock guitarist na si Justin Bratton.
Si Philip or Shadow Ace ay nakatanggap ng `golden buzzer’ sa isa sa dalawang hosts ng programa na si Alan Wong. Umaasa naman ang judges ng Asia’s Got Talent na sina David Foster, Anggun at Jay Park na makakapasok sina Philip at Justin sa grand finals.
Ang all-male Filipino shadow play group, ang El Gamma Penumbra ang first grand winner ng unang season ng Asia’s Got Talent in 2015.
Ulan inaasahang kikita sa word of mouth
Nalungkot naman ako, Salve A. na sa tatlong local movies na nagbukas sa mga sinehan nationwide nitong nakaraang Miyerkules, March 13, tanging ang Ulan na pinagtambalan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino ang maganda ang response ng mga manonood habang ang dalawa pang pelikula ay hindi man lamang daw umabot ng P100K sa first day showing nito considering na parehong maganda ang pagkakagawa ng movie.
Kung hindi nag-first day last day ang dalawang local movies, sana naman ay makabawi-bawi ito over the weekend laluna kahapon (Friday) na Friday pay-day.
Ryzza Mae hindi malilimutan ang first communion
Masayang-masaya ang pamunuan ng Television and Productions Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) na pinamumunuan ni G. Tony Tuviera na siyang producer ng longest-running noontime show in the Philippines na pinangungunahan mismo ng tatlong poste ng programa na sina Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ang buong Dabarkads dahil bukod sa malapit na silang mag-celebrate ng kanilang ika-40th year anniversary, nadagdagan ng milestone ang programa nang ito’y gawaran ng Gold Play Button o Gold Creator Award ng YouTube dahil umabot na sa 1-M subscribers ang YouTube channel ng EB and counting.
Habang nasa Israel ang barkada ay tumanggap ng kanyang first Holy Communion ang 13-year-old na si Ryzza Mae Dizon na ginanap sa 19th century old monastery, ang Stella Maris Monastery. Tumayong godparents ang Dabarkads, isang napakahalagang okasyon sa buhay ng child star na hinding-hindi niya makakalimutan kailanman.
- Latest