^

PSN Showbiz

Guwapong boyfriend mas in love sa gf na aktres!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kaya iginarahe na para ‘di masingitan

Ang lumulutang na kuwento ay sobrang in-love na in-love ang isang young actress sa kanyang guwapong boyfriend. Ginagawa raw ng babae ang lahat-lahat para lang hindi mawala sa kanya ang guwapong male personality.

Meron pang kuwentong lumabas na sobrang martyr ang young actress, kaya raw niyang tanggapin kahit pa ang pambababae ng kanyang boyfriend, huwag lang itong mawala sa kanya.

Pero pinasisinungalingan ‘yun ng ilang impormanteng malapit sa magkarelasyon. Baliktad daw ang kuwento, ang male personality raw ang takot na takot na mawala sa kanya ang babae, ang lalaki raw ang sobrang inlabey sa young actress.

Kuwento ng aming source, “Baligtad kaya! Si ____(pangalan ng guwapong male personality) ang mas matindi ang pagmamahal kay girl! Naku, kung alam n’yo lang!

“Siya ang sobrang in-love, hindi niya kayang mabuhay sa maghapon nang hindi nakikita ang girl, kaya kapag may trabaho siya, pinapupunta talaga niya ang girl sa location niya.

“Ganu’n siya katindi! Ang akala kasi ng iba, e, ang young actress ang patay na patay sa boyfriend niya, pero baligtad ‘yun! Ang lalaki ang sobrang dead na dead sa girlfriend niya!” paglilinaw ng aming impormante.

Nu’ng minsan palang magkaroon nang matinding problema ang magkarelasyon ay nagdesisyon ang young actress na makipaghiwalay na sa kanyang boyfriend.

Patuloy ng aming source, “Imagine, two days lang siyang hindi kinausap ng girl, hindi rin nagpakita sa kanya ang babae, pero parang sumusuko na sa buhay ang male personality!

“Talagang wala siyang ginawa kundi ang uminom, hindi siya kumakain, iyak siya nang iyak! Ang haba-haba naman talaga ng buhok ng girl na ‘yun! Talagang siya pala ang buhay ng boyfriend niya!

“Ayun, sa sobrang takot niyang mawala sa kanya ang girlfriend niya, siya ang kumuha ng isang place para du’n na sila tumira! Mismo! Ayaw niyang mawala sa paningin niya ang babae, natatakot siyang mawala, kaya nag-live-in na sila.

“Kaya baliktad ang mga kuwentong lumalabas na sobrang selosa at insecure ang girl. Siya ang ayaw mawala ng boyfriend niya! Sa totoo lang!” napapailing pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Hirap nang huminga sa umpisa pa lang Chokoleit hindi heat stroke ang ikinamatay!

Nilinaw sa amin ni Dada, isa sa mga talent coordinators sa ginanap na show sa Abra, na hindi heat stroke ang naging dahilan ng pagkamatay ng kilalang stand-up comedian na si Chokoleit.

Ang gym kung saan kumain ang mga artista ay fully-airconditioned, sabi ng aming source, pagkatapos kumain ay ihinatid naman sila sa stand-by area na naka-aircon din.

Sa oval kung saan ginanap ang main show ay hindi rin mainit, malamig ang simoy ng hangin, lagus-lagusan ‘yun sa venue. Ayon kay Dada ay meron ding mga ambulansiya sa mismong event.

Pagdating pa lang daw ni Chokoleit sa lugar ay marami nang nakapansin na parang matamlay siya, Hindi siya ang dating Chokoleit na madaldal at makulit.

Pero wala raw reklamo ang komed­yante, ni hindi siya nagparamdam na mabigat ang kanyang pakiramdam, sumalang pa rin siya at tinapos ang kanyang performance.

Napanood namin ang kabuuang performance ni Chokoleit nang gabing ‘yun, mahahalata na hirap na hirap siyang huminga, hinihigit niya ang kanyang balikat at umaangat ang kanyang suot kapag humuhugot siya nang malalim na paghinga.

Dalawang beses din siyang humingi ng tubig, nawawala na rin siya sa tono sa ikalawa niyang song number, kaya itinututok niya na lang sa audience ang mikropono para sabayan siyang kumanta.

Hindi nagpabaya ang pamunuan ng Abra, isinugod siya agad sa pinakamalapit na ospital, pero sa biyahe pa lang ay nalagutan na ng hininga ang magaling na komedyante.

Sabi nga, sa pagkapanganak pa lang natin ay naka­guhit na sa ating palad kung hanggang kailan lang ang biyahe ng ating buhay, hanggang dito na lang talaga ang hiram na buhay ni Chokoleit.

Ang pakikiramay po namin sa lahat ng kanyang iniwan.

CHOKOLEIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with