^

PSN Showbiz

Concert ng MNL48 may sinusunod na protocol

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Concert ng MNL48 may sinusunod na protocol

 Fifty seven pala ang total members ng all-female pop group na MNL48 na magkakaroon ng major concert na First Generation MNL48 Living the Dream Concert.

Yup hindi lang sila 48. Maalalang sa It’s Showtime nabuo ang grupo na may 9 members na pala ang first batch kaya naging 57 ang total number.

Gaganapin ang concert sa New Frontier sa Abril 6. Pero hindi pala basta-basta ang production nito dahil kailangan nilang sundin ang standards and protocol ng Japan na may hawak ng franchise ng MNL48.

Kaya naman talagang hindi nahirapan ang grupo na sumikat agad hanggang Japan.

In fact, mabilis daw ang bentahan ng ticket nila for their concert kahit nga masasabing wala namang regular exposure sa TV ang grupo. Bumabawi lang sila sa YouTube kung saan umaabot ng million ang hits nila.

So paano ba sa isang concert ang ganun karaming member? Baka naman ma-occupy na nila ang buong stage ng New Frontier (dating Kia Theater)?

 “By group sila,” sagot ni Direk GB Sampedro.

“Magsasama ang 1st batch na napiling 9 plus 2nd batch na 48, so 57 lahat silang magso-show. We are expecting to do other things na hindi pa nila nagagawa sa previous performan­ces nila,” paliwanag niya pa.

“Actually medyo kaiba sa ilang concerts na nagawa ko. Since ito medyo mas marami sila and we have to follow the standards ng protocol ng Japan. It’s a new thing for me, so medyo exciting at medyo kabado rin.”

Dagdag pa niya : “Lahat ng ginagawa namin dito sa Pilipinas, collaboration ito sa Japan. So, in terms of staging, unlike before kapag may mga concert akong dinidirek, ako ang bahala sa lahat. Ito may mga kailangan tayong ipa-approve muna kung okay o hindi puwede.

“May mga standard din sila sa choreography, music, lighting, staging. Lahat ‘yan dumaraan sa process, so ‘yun ang malaking difference rito.

“So, para akong nagdidirehe ng isang international concert dito sa Pilipinas,” paliwanag pa ni Direk GB.

Frontliners ng grupo sina Sheki, Abby, Sela Brei, Belle, Rans, Coleen, Gabb, Jem, Lei, Mari, Jan, Kay, Alyssa, Faith, at Ella na mga sumikat sa It’s Showtime.

Nauna na silang naging bahagi ng malaking concert sa Impact Arena, Bangkok last January 2 kung saan ay nakasama nila ang sister groups nilang AKB48, SGO48, BNK48, JKT48, AKB48 Team TP at AKB48 Team SH sa AKB48 Group Asia Festival 2019.

At any rate, ang First Generation MNL48 Living The Dream Concert ay produced ng Hallohallo Entertainment, Inc. 

MNL48

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with